Kabanata 10

599 35 19
                                    

KABANATA 10

ㅤㅤㅤㅤDAHIL NAGTAGAL sila sa ancestral house na binisita, napag-usapan nina Aaron at Easton na mag-lunch na muna nang sa ganoo’y maipahinga rin ni Aaron ang likuran. Kanina pa siya panay reklamo roon sa hagdan ‘tsaka sa edad niyang hindi naman nalalayo kay Easton.

Nakahinga nang maluwang si Aaron noong makahanap sila ng bakanteng upuan sa Jollibee. Binitawan niya si Easton siyang umupo sa isa sa mga upuan at umubob habang ang kasama naman niya ay nanatiling nakatayo.

“Pagod na pagod ka, a? Umakyat lang naman tayo sa hagdan,” puna ni Easton sa kanya bago nito hinimas-himas ang likuran niya.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Pinupuna mo ako e kanina ngang paakyat tayo nagrereklamo kang pagod ka na. Natakot pa ‘ko dahil baka isugod ka agad sa ospital e kalalabas mo lang naman.”

“Aaminin ko rin namang nakakapagod talaga umakyat doon. I had a hard time balancing myself too. Ang liliit ng steps ng hagdan.”

“Isa rin ‘yan sa sakit ng ulo ko. Malalaki paa natin, baka mamali lang ako ng apak doon, madulas na ako. Baka mahila pa kita kung sakali.”

“Kaya ka nag-iingat kanina, ‘di ba? Para walang masamang mangyari sa atin kanina sa ancestral house.”

Hindi sumagot si Aaron at sa halip ay tumingin sa menu ng Jollibee na nakapaskil hindi kalayuan sa kanila. Iyong nakita nilang bakanteng upuan e malapit lang din sa counter kaya kung paliliitan ni Aaron ang mga mata, makikita niya kung anong nasa menu.

“Anong o-orderin mo? Pupwede ka ba rito?” nag-aalalang tanong niya bago niya sinipat ng tingin si Easton.

Tipid na tumango ang binata. “I’ll go for the nuggets tapos chicken burger na rin siguro. Maybe I will upgrade my drink too. Ako na lang ang mag-oorder. Ikaw na lang kumuha mamaya.”

Tumango-tango siya’t ibinalik ang atensyon sa menu. “Spicy chicken sa akin na may fries kamo, pa-add kamo ng extra rice ‘tsaka pa-upgrade rin ako ng drink ko ng coke float.”

“Okay, I’ll see you later.”

Nagpahalumbaba si Aaron habang pinanonood niya si Easton na pumila. Hindi niya maiwasang magtaka kung marunong ba ang binata na mag-order pero noong maalalang hindi rin naman ganoon kasosyal si Wade kahit na may kaya ito, nakampante siyang natuto namang mag-order si Easton sa panonood sa ex-boyfriend nito.

Hindi naiwasan ni Aaron ang pangunutan ng noo nang mapansin na mayroong grupo ng mga estudyante ang sumunod kay Easton sa pila tapos panay ang tingin sa binata. Hindi man lang itinago ng mga ito ang kilig kay Easton pati na rin ang pagsilip sa itsura ng binata.

Though, it was understandable because Easton was really handsome. Matangkad, mestizo, mukhang tiga-ibang bansa, gwapo, mabango—he could go on and on. Diyan din kasi siya nahuli ng binata noong high school sila. Nahuli nga lang ulit ngayon pero ayaw iyang pag-usapan ni Aaron.

“Ang pogi teh!” dinig niyang sabi noong isa sa mga estudyante na naglakad palapit sa table nila ni Easton.

It turned out na nasa katabing pwesto nila ang mga ito. Mukhang hindi sila titigilan ng mga ito kapag nalamang si Aaron ang kasama ni Easton. Nakakairita pa naman dahil napansin din siya ng mga ito kasi nakaharap siya sa direksyon ni Easton at binabantayan ang binata.

Ugh. The way they squealed. It hurts his ears.

Nakasimangot niyang pinagmamasdan si Easton mula sa cashier at natuwa noong ito na ang mag-oorder. Ibig sabihin, babalik na ang binata rito at hindi na niya kailangang tiisin ang pag-iingay ng mga katapat. Kung umasta kasi ang mga ito, parang naka-hit ng jackpot.

Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon