KABANATA 13
ㅤㅤㅤㅤLATE NA NOONG bumalik si Aaron sa faculty dahil wala ang cooperating teacher niya’t siya ang naatasang magbantay sa advisory class nito. Wala naman talaga silang pinag-usapan sa klase dahil free time ang homeroom. Tinanong niya lamang ang mga ito kung nakakasunod ba sila kapag siya ang nagtuturo dahil practice teacher nga siya.
So far, so good. Hindi siya nakatanggap ni isang negatibong feedback mula sa klase dahil magaling daw siya magturo.
Hindi naman talaga kinagat ni Aaron iyong papuri dahil baka mamaya e inuuto lang pala siya ng mga ito. May trust issues siya sa mga bata ngayon kahit mukhang henuwino na nag-eenjoy naman ang mga klase niya t’wing siya ang nagtuturo.
Pinaglinis niya rin pala ang mga estudyante bago niya pinauwi kaya mag-three thirty na siyang makakabalik sa faculty room.
Aaron heaved a sigh as he paused in front of the stairs. Napukaw sandali ang atensyon niya nang tawagin siya ng iilang estudyante at kawayan, na siyang binalikan naman niya ng ngiti at tipid na pagtango. Then, he was back at the problem.
“Dapat pinapa-escalator na ang mga public school ngayon e,” bulong niya sa sarili bago niya tinanggap ang tadhana.
May choice pa ba siya maliban sa pag-akyat ng hagdan kahit labag sa loob niya? Wala. Nandoon sa faculty mga gamit niya e.
“Huy, Sir Aaron!”
Natigilan siya nang marinig ang boses ni Kaye. Noong mag-angat siya ng tingin, natagpuan niya ang dalaga na pababa rin ng hagdan pero tumigil nang makita siya. Bagamat kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka, nginitian niya ito.
“O, Ma’am? Sa’n punta mo?” tanong niya sa dalaga.
Tipid na umiling si Kaye. “Hahanapin sana kita kasi late ka na dumating. Ano ba ginagawa mo?”
“Ah. May homeroom kasi...” Kinamot ni Aaron ang pisngi bago niya pinasadahan ng tingin ang mga estudyanteng tumawag sa kanya para magpaalam. “... Na-late ako kasi pinaglinis ko iyong mga estudyante ni Ma’am Gomez. Bakit pala?”
“Kaya pala ang tagal mong bumalik...” Natigilan si Kaye bago nito mahinang pinalo ang barandilya ng hagdan. “Babalik ka na sa faculty, ano? Dalian mo, may naghahanap sa ‘yo. Kanina pa sila ro’n.”
Aaron stared at Kaye intently before he hesitatingly continued to climb the stairs. Nang makalapit siya sa dalaga, pinasadahan niya ng tingin ang pasilyo para makakuha ng clue kung sinong naghahanap sa kanya pero wala naman siyang nakita.
“Sinong naghahanap? Ako talaga?” tanong niya bago niya itinuro ang sarili.
Humimig si Kaye at tumango. “Oo nga, kanina ka pa nila hinihintay. E sabi ko lang hahanapin kita kasi iyong last class mo, second to the last subject ko e. ‘Tsaka kako advisory mo ‘yon.”
“Kaklase ko ba naghahanap sa ‘kin?”
Noong hindi sumagot si Kaye at nilagpasan lamang siya, hindi alam ni Aaron kung anong mararamdaman niya.
He didn’t really want to follow along because what if it was some parent that his cooperating teacher had to meet today? Olats. E wala namang alam si Aaron sa mga pa-issue na ganyan.
Sort of.
But the point was... If the people waiting for him were a pair of angry parents, there’s nothing he could do because he’s just a practice teacher. Any affairs that weren’t a scope of his training, he shouldn’t meddle with.
But what the fuck is with this atmosphere? May pa-mysterious effect pang nagaganap, naa-anxious lang naman siya.
Habang naglalakad sila, pakiramdam ni Aaron e parang ang layo ng faculty room kahit hindi naman. In every step he took, his heart beat also drummed. Nakakainis dahil inaasahan niyang galit na parents ang nag-aabang sa kanya sa faculty room. Pinagpapawisan na nga ang mga palad niya sa kaba.
BINABASA MO ANG
Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)
RomanceLooks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kulay. He was a piece of shit who masked his trashy attitude behind his beautiful face. The two of them...