KABANATA 11
ㅤㅤㅤㅤHINDI ALAM NI Aaron kung paano niya nakayanang iwasan si Easton samantalang alam ng binata ang schedule sa halos lahat ng mga klase niya. Basta ang alam niya, bigla-bigla siyang mawawala o makikihalo siya sa mga tao bago pa siya maabutan ni Easton nang sa ganoo’y hindi magkrus ang landas nila.
Hanggang ngayon rin, hindi niya niri-reply-an ang chat ng binata. E ilang beses na rin nag-chat ang isang iyon, nagtatanong kung pumapasok daw ba siya kasi hindi raw siya nito nakikita.
Mabilis natapos ang semester nila at ngayon, nagki-clearance na lang siya. Dahil halos lahat ng guro nila e mayroong palugit kung hanggang kailan lamang pupwedeng magpapirma ng clearance, maagang kumilos si Aaron at pumunta sa eskwelahan.
E kaso privileged naman iyong mga professor nila.
“Ang init.” Pinaypayan ni Aaron ang sarili gamit ang folder na hawak.
Nakaupo siya sa labas ng hallway, sa tabi ng mga halaman, sa ilalim ng lilim nang sa ganoo’y mahanginan siya. Kasama niya kanina iyong mga kaklase niya pero kinuha ng mga ito ang clearance nila. Iyong iba naman, nasa caféteria para bumili ng snacks. May mga kasama pa rin siyang kaklase pero may sari-sariling mundo ang mga iyon.
Akala ni Aaron, magiging tahimik ang umaga niya hanggang sa bigla na lamang mayroong tumabi sa kanya’t nalanghap niya ang pamilyar na pabango ng isa sa mga kakilala niya.
“Anong ginagawa mo rito?”
Bumaling siya kay Wade na noo’y nakasandal sa mga tuhod nito bago siya nito nilingon at nginitian.
“Bakit? Masama ka na bang lapitan? Parang ‘di mo ako kaibigan,” may bahid ng pagtatampong anito.
Inismiran niya ito. “Ulol, pinagpalit mo ako ro’n sa ex-boyfriend mo.”
“Tanga, pinagtulakan mo ako kasi kamo ayaw mong maging ka-close si Easton. Ako pa pinagmukha nitong masama.”
Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa maisip niyang magbukas ng panibagong pag-uusapan.
“Nag-uusap pa kayo ng isang ‘yon, ano?” panimula niya.
Mataman siyang pinagmasdan ni Wade. “Paano mo nalaman? Hindi mo naman kami nakikitang magkasama, a.”
“Nagku-comment ka sa posts niya sa Facebook.”
“Oh? Inii-stalk mo si Easton?”
Naiirita niya itong tinapunan ng masamang tingin. “Anong stalk? Ako pa ang mag-stalk? Hindi ba pupwedeng lumabas lang sa news feed ko? Shuta.”
“Ang defensive.” Humalakhak si Wade pero kalauna’y tumango ito. “Maayos naman kasi iyong break-up namin. Hindi sinabi ni Easton sa ‘yo, ano?”
Kahit naman sabihin ni Easton, may pakiramdam na rin siyang hindi rin talaga tumigil sa pag-uusap ang dalawang ito dahil sobrang close pa rin sa Facebook. ‘Tsaka sa pagkakaalam niya, iisa lamang ang circle of friends ng mga ito, kasama pa rin iyong mga kaibigan ni Easton noong high school sila.
Dahil nanahimik ulit siya, si Wade naman ang nagsalita. “Kumusta naman kayo ni Easton? Kayo na, ano?”
Nanlaki ang mga mata ni Aaron noong marinig ang tanong na iyon at hindi siya makapaniwalang lumingon sa binata.
“Pinagsasasabi mo? Walang kami,” aniya.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Wade. “Luh, gago. Sa ‘kin ka pa gaganyan e nakita ko kayo nitong nakaraan sa Angeles na magka-holding hands!”
“Wala ‘yon, gumagala lang kami no’n.”
“Na magka-holding hands?” Natawa si Wade bago nito mahinang pinalo ang balikat niya. “Ron, hindi ako magagalit kung aaminin mo na kayo, sira ulo. Ang tagal ko nang naka-move on kay Easton kaya nga close pa rin kami, o.”
BINABASA MO ANG
Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)
RomanceLooks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kulay. He was a piece of shit who masked his trashy attitude behind his beautiful face. The two of them...