KABANATA 2
ㅤㅤㅤㅤAFTER TELLING Easton off when he handed him the folder that one of their professors asked him to do, Aaron still couldn’t understand how he somehow ended up hanging out with this angel face.
It was a rare sight— no, sa pagkakaalala ni Aaron ay hindi naman talaga niya ginustong ma-stuck kasama si Easton. Sadyang bigla na lamang talaga nitong hinablot ang palapulsuhan niya tapos kinaladkad siya kung saan-saan. Na-take advantage ang kahinaan niya sa ilalim ng tirik na araw.
But how did all of this happen?
It started possibly an hour ago. Pinuntahan ni Aaron ang ngayo’y ex-boyfriend na niya sa building nila para sana ayain mag-lunch pero imbes na makakain, ‘tsaka naman siya nabungaran ng break-up. He still didn’t know if it was his fault or if his ex-boyfriend just didn’t love him enough, but their relationship ended so suddenly.
“Hindi kasi kita makita na kasama ko sa future, Aaron. ‘Tsaka pakiramdam ko, ang hirap i-work out ng relasyon natin dahil pareho tayong busy sa school at may mga priorities. May mga pangarap tayo, Aaron, feeling ko magiging sagabal lang tayo sa isa’t isa kung ipagpapatuloy pa natin ‘to.” — This was what Aaron could remember that his ex-boyfriend said and he remembered that his words hurt.
Mas gugustuhin pa ni Aaron makitang may iba na ang ex-boyfriend niya, na sabihin nitong ayaw na nito sa kanya kaya nag-cheat, o hindi kaya e nakahanap na ng mas madalas nitong makakasama kaysa sa kanya pero hindi. Straightforward lang nitong sinabi na hindi siya nito makita sa hinaharap na gusto nitong maabot kaya nakipaghiwalay.
Anyway, Aaron was supposed to be busy sulking and being dramatic because he had another break-up.
... But why is he with Easton again? Saan nga ulit siya natagpuan ng isang ito?
“O, kunin mo,” utos sa kanya ni Easton habang inaabot nito sa kanya ang biniling dirty ice cream.
Naguguluhang kumunot ang noo ni Aaron at hindi niya naiwasang magpabalik-balik ng tingin kay Easton at sa hawak nitong ice cream. Sure, he was touched that someone would buy him one, but he never expected it to be Easton.
... And when would he even let him go? Hanggang ngayon e nakahawak pa rin ang isang ito sa palapulsuhan niya. Hindi rin naman mahanap ni Aaron sa sarili na agawin na iyon mula sa pagkakahawak ni Easton dahil una, wala siya sa mood at pangalawa, nabababad siya sa araw at tinatamad na siyang kumilos.
“Aaron, matutunaw na ‘to,” dagdag ni Easton. Sa mga oras na ito, naiirita na ang tono ng boses ng binata. “Ang init pa naman ngayon.”
Rekla-reklamo e naka-cup naman itong binili niyang ice cream, hindi naman manlalagkit ang balat nito.
Right. Marahas na umiling si Aaron at kinuha pa rin ang ice cream. “Anong nilagay mong lason dito para informed ako?”
“Cheap. Kung gusto kitang patayin, ipapasagasa na lang kita sa driver ko.”
“Mama mo cheap.”
Napangisi si Aaron noong tapunan siya ng masamang tingin ni Easton. The latter soon opened their mouth in an attempt to retort, but Easton instead rolled his eyes and took the other ice cream that he bought before he thanked the seller. Though, mukhang kahit iyong nagtitinda e mas lalong naiinitan sa kanila dahil kahit wala sa sarili si Aaron, panay pa rin ang away niya kay Easton.
“Tara rito,” Easton then said, obviously bossing him around, before he dragged Aaron again to a nearby shelter.
Hindi makuha ni Aaron ang manlaban kaya hinayaan niyang dalhin siya ni Easton doon. Naiinitan na rin naman kasi siya pero sa parehong pagkakataon, hindi niya maiwasang maguluhan.
BINABASA MO ANG
Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)
RomanceLooks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kulay. He was a piece of shit who masked his trashy attitude behind his beautiful face. The two of them...