KABANATA 8
ㅤㅤDALAWANG ARAW matapos ma-confine ng nanay ni Aaron sa ospital, dalawang araw na rin madalas daanan ni Aaron si Easton sa hospital room nito. Sa loob ng mga oras na iyon, ni minsan ay hindi nakita ni Aaron na magkaroon ng bisita ang binata bukod sa nurse na nag-aasikaso rito. Hindi rin naman nagtatagal ang nurse, siya lang ang minsan umaabot ng tatlong oras dahil nandoon naman si Ridge at Zamiel para bantayan ang nanay nila.
‘Tsaka tahimik kasi sa kwarto ni Easton. Naka-private room ito tapos maganda ang view sa may bintana kapag gabi dahil sa city lights—pero hindi rin talaga niya naa-appreciate dahil panay sapot ng kable ng kuryente ang unang bumubungad sa kanya roon.
“May pinopormahan ka ba, Ron?”
Natigilan si Aaron sa pag-aayos ng mga damit ng nanay niya noong marinig ang boses nitong nag-uusisa, nagtataka.
Nag-angat siya ng tingin para salubungin ang mga mata ng ina at noong natagpuan itong nakangiti siyang pinagmamasdan, sandaling napaiwas ng tingin si Aaron. He hesitated. May kung ano sa titig ng nanay niya na makahulugan at nanibago siya.
“Wala naman, Ma. Ba’t mo naitanong?” tanong niya pabalik.
Mahinang tumawa ang nanay niya. “Narinig ko sa kapatid mo na may madalas kang puntahan na naka-confine rin dito. Anong sakit niya, ‘nak?”
“Ma…?” Hindi alam ni Aaron kung paano siya magri-react. “Wala akong bagong pinupormahan, fake news lang si Ridge. Nataon lang na may ka-schoolmate akong naka-confine rito no’ng naospital ka kaya binibisita ko.
Humimig ang ina niya—mapanudyo ang tono, tila ba nanghuhuli. “Ka-schoolmate mo pala. ‘Di mo sinagot iyong una kong tanong. Anong sakit niya?”
“Sakit sa puso. ‘Di ko alam anong detalye pero noon pa namang high school e hindi rin siya madalas makita sa school kasi lagi siyang naoospital.”
“Ah, magkakilala kayo simula high school.”
“Kilala mo ‘yon, Ma. Nakita mo ‘yon noong graduation ko dati. Iyong salutatorian namin.”
“Hindi ko na maalala, e.”
Bumuntong hininga si Aaron. Hindi na dapat niya ipinapakilala kung sino pero hindi niya alam sa sarili’t ipinipilit niyang ipaalala sa nanay niya kung sino si Easton.
“Iyong salutatorian namin na sinabihan mong ang putla ‘tsaka ang payat. Tapos tinanong mo ako kung may sakit ba,” aniya habang inaalala kung paano pinuna ng nanay niya si Easton noong graduation nila sa high school. “Iyong muntik na ‘kong matalo sa pagiging valedictorian kung ‘di lang siya maraming absent. Sabi mo pa nga, maswerte lang ako kasi kung ‘di iyon sakitin, baka ako ang salutatorian.”
Napapikit si Aaron habang inaalala ang mga ganap noong graduation niya ng high school. Honestly, it pissed him off that his mother thought that Easton was more capable than him. Nataon lang na sakitin iyong tao kaya nakuha niya na maging valedictorian.
Although, there was a possibility that it might’ve happened if Easton didn’t go to the hospital that much—that whenever Aaron thought about it, he gets frustrated.
“Iyon bang gwapo na panay din ang tingin sa ‘yo?” kalauna’y pagtatanong ng nanay niya.
Huh?
Napangiwi si Aaron pero bumalik na rin siya sa pagtutupi ng mga damit. Sa likod ng isip niya, inaalala niya kung panay ba ang tingin ni Easton sa kanya na imposibleng mangyari dahil noong mga panahong iyon, si Wade ang boyfriend nito.
“May naaalala akong payat na matangkad na lalaking panay tingin sa ‘yo dati,” dagdag pa ng nanay niya. “Binati pa ako no’n tapos tinawag akong Tita. Kasama niya si Wade. Oo nga pala, nag-uusap pa ba kayo ni Wade? Kumusta na ‘yong batang iyon? ‘Di na bumibisita sa atin.”
BINABASA MO ANG
Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)
RomanceLooks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kulay. He was a piece of shit who masked his trashy attitude behind his beautiful face. The two of them...