Kabanata 12

521 37 15
                                    

KABANATA 12

ㅤㅤㅤㅤHANGING OUT with friends should be fun but Easton just couldn’t find the heart to enjoy his circle’s company. Kanina pa siya nakabusangot at tahimik, ni hindi nga niya kinakain iyong in-order niyang tiramisu cake at panay saksak lang siya roon. Alam niyang nakakaawa iyong cake pero inis na inis din si Easton.

“Ayan ba epekto ng naba-basted?” biro sa kanya ng isang kabarkada.

Nag-angat siya ng tingin para tapunan ito ng masamang tingin pero nagtaka siya nang hindi ito nakatingin sa kanya at sa halip e roon sa isa pa nilang kabarkada na mukhang maiiyak na. Nagbibiruan ang mga ito noon ‘tsaka panay ang comfort na makakahanap din ito ng iba pero matigas ang kaibigan nilang sawi dahil iyong nililigawan lang daw nitong nakaraan ang gusto nito.

Easton felt that.

Hindi naman siya na-basted ni Aaron. It’s more like… That man just decided to cut him off all of a sudden after their date and viola, he’s now a mess.

Ilang beses na nag-attempt si Easton na makipag-interact kay Aaron online dahil bago matapos ang first semester, hindi niya na madalas maabutan ang binata. It’s either Aaron already avoided him during those times, which he obviously had, and fate decided to choose Aaron’s side.

Damn it.

“Ang tahimik mo?” bulong sa kanya ni Wade.

Natigilan siya noong mapansing tumabi pala sa kanya ang binata, ‘tsaka naman sumunod ang kantyaw ng mga kaibigan nila sa kanila na siyang mas ikinasimangot niya.

Seriously, he and Wade had already broken up ages ago. Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-move on ang mga ito samantalang may kanya-kanya na silang nagugustuhan. Especially him. It was unfair for Wade but he just really loved Aaron too much.

Pilit niya itong nginitian. “Wala lang ako sa mood.”

“Hindi ka pa rin pinapansin ni Aaron?” panghuhuli nito sa kanya.

Mabuti na lamang at pabulong lamang magtanong si Wade at sila lang ang nakakarinig ng usapan nila dahil naging abala ulit ang mga kabarkada nila sa kaibigan nilang nasawi ang puso. Kinantyawan lang sila saglit tapos sinabihan na magsasariling mundo na naman sila, kesyo hindi pa sila magbalikan ulit, bago itinuon ang atensyon sa ibang bagay.

There were pros and cons to that but as long as the attention wasn’t on them, that’s better.

“Nagkukwento ba siya sa ‘yo? ‘Di ba madalas na ulit kayo mag-usap nitong nakaraan?” pag-uusisa niya.

Sumandal si Wade sa upuan nito bago ito umiling. “Ang hirap isingit ng pangalan mo ‘pag nag-uusap kami. Parang ayaw ka niya yatang pag-usapan e.”

“Bakit? Wala naman akong ginagawa sa kanya.”

“Baka ‘di kumportable sa ‘yo kasi nga ‘di ba, magkaaway kayo noong high school ta’s bigla-bigla ka na lang magpapahiwatig sa kanya na gusto mo siya?”

“But it’s been years. I thought we’re close already because sometimes, he’d pick me up when he’d see me alone.”

Nagkibit balikat si Wade. “Baka naawa lang sa ‘yo. Malay ko ba riyan kay Aaron.”

Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon