KABANATA 23
ㅤㅤㅤㅤHINDI MABILANG ni Aaron kung ilang beses nyang binalik-balikan ng basa ang chat na sinend nya kay Easton. Half day siya noon at alam nito pero hindi nya susunduin o kikitain ang binata ngayon dahil marami siyang dahilan.
Me:
Babe, di muna tayo magmeet ngayon? Something came upEaston Mariano:
ih :((( but okay
tell me what happened later po?Me:
Not now. Basta pagkatapos ko nalang isettle lahat. Okay lang ba?Easton Mariano:
i have mixed feelings but i understand
until you're ready then 🫶🏻Napangiti na lamang si Aaron nang mabasa ang sagot ni Easton. Naiintindihan nyang nag-aalala ang binata kung anong nangyari pero hindi makuha ni Aaron ang magkwento ngayon. Gusto nya kasing maayos muna ang lahat. Plakado, walang sabit, malinis. Basta, gusto nyang walang mintis kahit na maliit na bagay kapag sinabi nya kay Easton kung anong gagawin nya ngayon.
He’s pretty sure that it’s predictable, too.
Ibinaba ni Aaron ang cellphone noong mula sa gilid ng mga mata nya, nakita nya na tumigil sa gilid nya ang isang pamilyar na pigura. Nag-angat siya ng tingin at noong makita nya si Wade na nakangising kumakaway sa kanya, umayos siya sa pagkakatayo bago nginitian ang binata.
“Buti naaalala mo pa ‘ko, ano?” pabirong sabi ni Wade sa kanya.
Bumuntong hininga si Aaron at nagkibit balikat. “Naaalala naman, nahihiya lang ako sa ‘yo nitong nakaraan.”
“Nahihiya? Wowza, totoo ba ‘yan? Ikaw ba talaga si Aaron Gonzales?”
“Inamo.” Napahilot siya ng sentido bago nya minuwestrahan ang binata na sumunod sa kanya. “Nagi-guilty kasi ako sa ‘yo kaya hindi ko pinapansin ‘yong mga chat mo.”
“O, bakit?”
Napaatras si Aaron noong marahang lumapit sa kanya si Wade. May naglalarong multo ng ngisi sa mga labi nito at sumasayaw sa kapilyuhan ang mga mata ng binata. Hindi tuloy nya napigilang mapaiwas ng tingin mula rito dahil hindi na siya kumportable sa sobrang lapit ni Wade.
It’s not a dangerous distance. Anyway, Aaron decided to start walking so he could lead Wade inside a café he usually visits in his free time. Sumunod din naman ang binata sa kanya pero panay ang tanong nito kung bakit daw siya nagi-guilty at kung may kasalanan daw ba siya rito.
Meron. Marami. Hindi nya alam kung saan nya sisimulan.
Noong makapasok sila sa café, inaya siya ni Wade na sa pinakagilid sila umupo nang sa ganoon, hindi sila kaagad na makikita ng mga bagong customer. And since it was just a small café—one that they used to go to together when they were in high school—he just went on with what Wade wanted because true, it’s quite embarrassing that they’d be the first people that new customers might see.
Isa pa, importante ang pag-uusapan nilang dalawa.
Nag-order lamang ng matcha latte si Aaron habang si Wade naman, iced coffee ang gusto at iyong usung-uso na bento meal. Nagkumustahan din muna sila at ang pangit namang tignan kung sisimulan kaagad nila sa seryosong usapan e matagal na silang hindi nagkita.
The point is, Wade wasn’t dumb. Aaron wasn’t sure if it was due to his body language or he couldn’t maintain eye contact but his friend noticed that he was uncomfortable—that he seemed to be the type to want to say something but was hesitant. Hindi napansin ni Aaron na mayroon na palang alam si Wade hanggang sa tumahimik ito sandali bago tumikhim.
BINABASA MO ANG
Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)
RomanceLooks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kulay. He was a piece of shit who masked his trashy attitude behind his beautiful face. The two of them...