KABANATA 14
ㅤㅤㅤㅤMAYROONG MADALAS na lugar na kainan malapit sa school sina Aaron at ang mga kaklase. Bago pumasok sa street kung nasaan ang university nila pati na rin ang high school nila, mayroong maliit na carinderia. Bagamat matagal na iyon, hindi madalas tumambay doon ang schoolmates nila kesyo hindi raw masarap ang pagkain o hindi kaya e masusungit ang mga tindera.Hindi naman totoo sa parte niya dahil masarap naman pagkain doon ‘tsaka kasundo niya ang mga tindera.
Anyway, doon niya dinala si Easton dahil tahimik doon at wala gaanong makakarinig sa usapan nilang dalawa. Maliban na lang kung magsigawan silang dalawa’t magtalo nang malala, marami silang atensyon na mapupukaw.
Bumili si Aaron ng softdrinks para kahit paano, hindi sila anuhin ng mga tindera dahil tatambay nga sila. Sinubukan niyang alukin si Easton pero noong tapunan siya nito ng masamang tingin, hindi na siya kumibo. Naiintindihan naman niyang masama ang loob nito sa kanya, e.
Nang makabili siya ng softdrinks, dinala niya sa pinakasulok ng carinderia si Easton. Nasa loob ang kainan kaya tahimik, sakto ring wala gaanong mga estudyante bukod doon sa gumagawa ng proyekto sa kabilang sulok pa ng carinderia kaya makakapag-usap sila ng maayos.
Habang umiinom ng softdrinks, tahimik niyang pinagmamasdan si Easton. Hindi ito nakatingin sa kanya at sa halip, sa talahiban sa labas, pinanonood yata iyong mga tuta na naglalaro.
Bakas pa rin sa mukha ni Easton ang pagkadismaya sa sitwasyon nila ngayon, hindi mugto ang mata nito pero bakas na muntik itong umiyak kanina.
Nag-iwas ng tingin si Aaron mula kay Easton. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan nila. Ayaw niyang simulan dahil baka may masabi siyang hindi magustuhan ng binata.
Aaron flinched when Easton finally cleared his throat.
“Get me this...” Easton trailed off. “It’s not that you don’t want to be with me, you just can’t consider it because I’m Wade’s ex-boyfriend, right?”
Yes—Aaron wanted to answer but he kept his mouth shut. Hindi niya pa rin tinitignan si Easton kahit na bumaling na ito sa kanya. It took him a while—a few breaths—before he decided to turn his head and meet Easton’s gaze.
Does he need to answer? Makikita ba nito ang sagot niya mula sa mukha niya? Hindi alam ni Aaron pero umaasa siyang oo.
Kumunot ang noo ni Easton. “Don’t just look at me. I need an answer. Do you want me or not?”
“That’s a tricky question,” was all that he could say.
“Bakit? Kasi gusto mo naman talaga akong makasama, ‘di ba? Ayaw mo lang akong piliin.”
“Sabihin nating tama ka, e ano naman?”
Easton gritted his teeth and looked at him in frustration. “Hindi pa ba counted na matagal na kaming break ni Wade at naka-move on na siya sa ‘kin para piliin mo ‘ko?”
“Easton, you don’t stay friends with your ex.”
Kumunot ang noo ni Easton, tila naguguluhan. “So, what are you trying to imply?”
Ipinilig ni Aaron ang ulo’t nginitian si Easton. “That one of you still has feelings.” Marahan siyang umiling. “Nag-break kayo, gusto mo ‘ko at nagustuhan din kita pero kung gusto ka pa nga talaga ni Wade, ayokong ma-involve sa ‘yo. No, even if he didn’t have any feelings for you anymore, choosing you would still be a taboo, it would never change the fact that you’re still exes.”
Noong hindi magsalita si Easton, tumigil na rin si Aaron. May kung ano sa ekspresyon nito na tila ba sinasabi sa kanyang ang bobo niya para isiping gusto pa ito ni Wade samantalang matagal na ngang break ang mga ito… pero kahit naman ganoon nga ang sitwasyon, kung siya ang nasa lugar ni Wade, iisipin niyang nakakabastos na jojowain ng kaibigan niya ang ex niya regardless kung naka-move on na ba siya o hindi.
BINABASA MO ANG
Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)
Storie d'amoreLooks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kulay. He was a piece of shit who masked his trashy attitude behind his beautiful face. The two of them...