15

98 3 2
                                    

THIRD PERSON POV

"STOP and hand him over, young man"

Naluluhang napatingin si Nash kay Travis. Alam niya na siya ang tinutukoy ng lalaki at natatakot siya. Iniisip niya kung ano ang nagawa niyang masama kung bakit gusto nila siyang kunin.

Mas hinigpitan niya ang kamay na nakahawak kay Travis kaya napatingin sa kanya ang binata.

Umiling ito at binulungan siya. "Hindi ka nila makukuha sa akin, mein liebling. Pangako..."

Pareho silang napatingin sa mga lalaki nang marinig nila ang sabay-sabay na pagkasa ng mga baril na nanggagaling sa kanila.

Palihim na napamura si Travis.

Kaya niyang patumbahin ang anim na lalaki na nakapalibot sa kanila ngayon pero mas inaalala niya si Nash. Baka anong mangyari sa kanya kapag busy siya sa pakikipaglaban.

Hinihintay niya ngayon ang hudyat ni Yohan. Siya nalang ang pag-asa ngayon nila Travis.

"I'm in my position, Travis" sabi ni Yohan ng maka pwesto siya malapit sa parking lot. Naligaw pa siya dahil walang ilaw ang kakahuyan na nakapalibot sa mansyon.

Napahinga ng maluwag si Travis.

"I want you to hand him over, right now!" the man shouted.

"Over my dead body," Travis replied coldly.

The man chuckled. "Hindi mo kilala sinong kinakalaban mo, hijo."

Nginisihan lang siya ni Travis. "Wala akong plano na kilalanin kung sino"

Mas lalong nainis ang lalaki. Napapikit si Nash nang akma na nitong kakalabitin ang gatilyo nang bigla itong natumba.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang dalay ng dugo na nanggagaling sa butas sa kanyang noo.

Sniper?

Mukhang nagulat ang ibang mga kasama ng lalaki dahil nanigas ang mga ito sa kinatatayuan. Sinamantala iyon ni Travis. Marahan niyang tinulak si Nash palayo at sinugod ang mga lalaki.

Nagulat si Nash. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Napapitlag siya nang may biglang humawak sa kamay niya at akmang hihilahin siya nang bigla din itong natumba.

Gusto niyang maiyak sa takot.

Takot dahil hindi niya alam kung anong nangyayari at sa takot na baka kung anong mangyari kay Travis na ngayon ay pinagtutulungan ng tatlong lalaki.

"Travis!" Sigaw niya nang masuntok si Travis sa mukha.

Sinuntok ni Travis ang isa sa mga lalaki ng tutukan siya nito ng baril. Napatingin si Nash sa tumilapon na baril malapit sa kanya. Gusto niyang kunin ang baril para tulungan si Travis pero hindi niya magawa.

Nanginginig pa rin siya sa takot.

Fck, Nash! Do something! sabi niya sa sarili nang makita si Travis na ngayon ay pinagtutulungan na.

Mabilis niyang kinuha ang baril pero tinignan niya lang iyon. Hindi niya alam kung paano ito gamitin. Napatingin siya sa kanyang gilid ng may lalaki ulit na papalapit sa kanya.

Itinutok niya iyon sa lalaki pagkatapos ay pumikit at kinalabit ang gatilyo. Napasigaw siya at nabitawan ang baril. Minulat niya ang mata at nakita ang nakahandusay na lalaki sa lupa. Napaatras siya nang makitang may lumabas na dugo kung saan niya natamaan ng bala ang lalaki.

Foolish Destiny | HaruKyuWhere stories live. Discover now