8

93 4 0
                                    

Nash

"Why did you do that?" Cleo asked after the girls left.

Hindi ako umimik. Namula ako nang mapansin na tahimik sila habang nakatitig sa akin.

"Are you jealou—"

"Of course not!" I denied right away.

"Then why did you do that? You embarrassed them. They just want to be friends with Travis"

I rolled my eyes. "They're not being friendly, Cleo. They're flirting."

"Ano naman sayo kung nilalandi nila si Travis?"

I was stunned by his question.

Oo nga naman. Bakit ko ba kasi ginawa yun?!

"I'm done eating. Mauna na ako" Cleo coldly said before walking away.

Napakamot ako sa noo. Ano na naman ba nagawa kong mali?

Tatayo sana ako para sundan si Cleo nang pigilan ako ni Travis.

"Huwag mo muna siyang sundan. Eat first and talk to him later," maawtoridad na sabi niya kaya hindi ako nakapagsalita.

Why is he using that tone to me?

Tinignan ko ang mga kaibigan ko at sumang ayon sila kay Travis. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ito ang first time na mag away kami ni Cleo kaya hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko rin mawari kung bakit bigla nalang siyang nagkaganun. Dahil lang ba pinahiya ko yung mga babae? o dahil may gusto siya sa isa sa dalawang babae kanina?

I'll just call him later


[ PE CLASS ]

Nandito kami sa gitna ng gymnasium kase maglalaro kami ng volleyball. Nasa bleachers kami nakaupo at hinihintay ang anunsyo ng guro kung sino ang maglalaro. Nandito din ang section nila Cleo. Sila ang makakalaban ng section namin ngayon. Hindi man lang niya ako sinulyapan. He used to greet me and cling to me until the class is over.

Sana naman di ako tawagin ni Miss tinatamad ako

"Andrew, Zion, John, Mark, Jericho and Nash for Class A-3"

"Tsk! Kakasabi ko lang na tinatamad ako eh," I muttered.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Travis na nakaupo pala sa tabi ko.

Bakit ngayon ko lang napansin na magkatabi pala kami

"Yes, Travis?" the teacher asked when he noticed Travis.

"Can I play instead of Nash?"

Napayuko ako at napakagat sa labi nang mapatingin ang lahat sa akin.

"Are you sick, Nash?" the teacher asked.

Sasagot sana ako nang unahan ako ni Travis.

"Masama lang po pakiramdam niya, Miss. I'll bring him to the infirmary later after class," aniya.

Tumango si Miss Anicka at pinagpatuloy ang pagtawag ng pangalan sa kabilang section.

Hinila ko papalapit sa akin si Travis. Nagulat ako nang hindi siya nagmatigas kaya aksidenteng nahalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat namin pareho.

What the hell just happened?! Did I just kissed Travis?

Mabilis akong lumayo habang prinoproseso ng utak ko kung ano ang nangyari. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib. Damn, Nash! Zion told you to act normal.

Inhale... Exhale...

Napalunok ako. Act like you don't care!

Lumapit ako ulit sa kanya at binulungan. "W-Why did you do that?"

Foolish Destiny | HaruKyuWhere stories live. Discover now