Scylla 3: Her Tranquility

532 24 0
                                    




"Oh Scylla, saan ang punta natin?" Napatingin ako kay Aling Lolita nang sinalubong niya ako paglabas ko ng pinto. Nasaktuhan kasing dumaan ito sa harapan ko bitbit ang isang basket na puno ng mga bagong laba na tela.

"Sa kapitolyo ho, ibebenta na kasi namin ang mga halamang gamot na hinarvest kahapon." Tugon ko dito na siyang ikina-tango niya.

"O sige, mag-iingat ka Scylla."

"Mauna na ho ako, Aling Lolita." I answered back, tuluyan na itong umalis upang pumunta sa bakanteng lote para magsampay. I fix the cloak I'm wearing and tie my silver hair tightly. I put the gloves and for the final touch, I put the black mask I usually wear whenever I go in the capital and now I'm done.

Naglakad na ako palabas ng village at tinahak na ang daan papunta sa kapitolyo, ilang kilometro lang naman ang layo nito sa gubat. Halos nasa likuran lang kami ng marangya at magarbong lugar ng mayayaman. Napahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ang pagtunog nito, ang aga ko kasi gumising at hindi pa ako nag a-almusal kaya't 'di na ako magtataka ba't nag we-welga ang aking tiyan sa gutom.

I can hear the sound of birds from afar, they're creating a beautiful melody that blends well into the peaceful atmosphere of the forest. I quietly enjoy the serenity the forest gives and filled my eyes with its grace.

Lumipas ang ilang minuto ay 'mula sa malayo naririnig kona agad ang maiingay at samu't saring tunog sa malayo. Malapit na ako sa kapitolyo.

Pagkalabas ng gubat ay dumaan ako sa isang masikip at tagong eskinita at ginamit ang abilidad kong magtago sa mga anino, mabilis akong nakarating sa lugar na pagkikitaan namin dahil na rin sa tulong ng aking abilidad. Napansin kong may isang binata ang nakasandal sa kariton na gawa sa kahoy, nakasuot ito ng kulay berde na balabal at kagaya ko ay nakatakip rin ang mukha gamit ang itim na mask.

"Carter!" Tawag ko dito para makuha ang atensyon nito at hindi naman ako nabigo dahil inangat nito ang kaniyang paningin at bagot na tumingin sa'kin. Nakarating ako sa kinaroroonan nito at pabirong sinuntok ang braso na siyang kinairap nito sa'kin.

"Tagal mo, Scylla. Nakailang ritwal kana naman sa bahay mo para abutin ka ng siyam-siyam?" Napatawa ako sa binungad sa'kin nito. 6:30 daw kasi magkita at dumating ako mag a-alas otso. Halatang-halata ang pagkainis nito dahil ang sama makatingin, akala mo kakainin ako ng buhay.

"Pasensya kana, Carter. Hindi ko kasi namalayan ang oras," Hingi kong paumanhin sa kaniya at kunwaring kinamot ang aking batok.
"Pero andito na ako. Oh diba, kaya tara na at naghihintay na sa'tin ang grasya," I smiled sheepishly to him.

"Tara na at tulungan mo akong dalhin ito sa market, andoon 'yung bibili," agaran ko namang sinunod ito at tumulong sa pagbuhat ng mga kahapon na naglalaman ng mga halaman, inayos ko ang telang nakatakip dito bago pinagpatuloy ang pagbubuhat.

We start blending in the crowd, buhay na buhay at maingay ang paligid. Mahahalata mo ang karangyaan ng kapitolyo dahil sa matatayog at magagandang establisyimentong nakatayo dito. There's a boutique of fine made clothes nearby, jewelry shop, flower shop, and restaurants that only the rich can afford to dine in. Amoy na amoy dito sa pwesto namin ang halimuyak ng mga bulaklak at pagkain sa restaurant, napaka bango.

Halos lahat ng nakakasalubong namin ay nakasuot ng mga mararangya nilang kasuotan, they're wearing their pretty dresses with corset at puro alahas ang mga ito. Kaya ang bilis masilisihan ng ilang mayayaman dito eh, they know how busy and crowded the street of capital is, yet they display their jewelries with no care to their surroundings.

ScyllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon