⚜
It's been two days since the duel happened, mas pinili kong magkulong sa kwarto kesa marinig ang samu't saring bulungan ng mga katulong dito sa loob ng palasyo. Hindi ko alam kung paano kumalat ng mabilisan ang duwelo na naganap sa'min ng Prinsepe ngunit pinagsawalang bahala kona lang iyon at piniling ituon ang aking isipan kung paano ba makakaalis dito.
Sa loob ng dalawang araw, sinubukan kong kausapin ang Reyna o sila Sovanna para magpaalam sana na aalis na ako, hindi kona kayang magtagal pa dito lalo't na hindi naman ako nabibilang sa kanila.
Ayoko sa mga maharlika, inaamin ko. Sobrang laki na ng pinsalang naidulot nila sa pagkatao ko ngunit hindi ako bastos at marunong akong lumugar, bilang balik na rin sa kabutihang loob na pinakita sa'kin ng pamilyang Silvestre ay hinihintay ko ang pagkakataon na makausap sila para maayos na makaalis ngunit sobrang abala at hindi kona halos mahagilap ang mga ito.
I bit my lips and glance myself in the mirror, my hair was tied in a bun and I'm wearing a simple yet sophisticated dark green dress, it compliments on my white skin kaya't mas lalong naging angat ito. Napagdesisyunan kong lumabas na lang ng silid at magikot-ikot na muna sa pasilyo.
My eyes are busy looking at the garden outside the balcony, walang kahala-halaman doon at wala ring bunga ang mga puno dahil sa klima nga naman ng Western Kingdom. Ngunit agaw pansin ang nasa gitna nito, in the middle of it, there's a huge fountain. Kitang-kita ko ang iba't ibang kulay ng mga isda na lumalangoy doon, pero labis na pinagtataka ko kung paano hindi naninigas ang tubig doon at malayang nakakalangoy ang mga isda.
Naalerto lang ako ng makaramdam ng presensya sa likuran ko kaya't mabilis akong kumilos at akmang ipupulupot ang aking mga braso sa kaniyang leeg ngunit laking gulat ko ng makita si Sovanna na nakatayo sa pintuan at nakangiti sa'kin.
"Magandang umaga, Scylla." Bati nito sa'kin gamit ang kaniyang malamyos na boses. Tumugon naman ako dito at yumuko ng bahagya. Lumapit naman ito sa pwesto ko at sumandal rin sa railings.
"Kumusta kana? Pasensya na at hindi kita masiyadong naasikaso nitong mga nakaraang araw, sad'yang naging abala lang ako sa aking mga tungkulin bilang prinsesa," Mahabang paliwanag niya at doon ko nga lang napansin ang pagod sa mga mata nito. Napaiwas naman ako ng tingin dito at binalik sa fountain ang aking paningin.
"Alam moba, espesyal ang mga isda na 'yan? Isa sila sa mga sagradong hayop na inaalagaan ng palasyo sapagkat sumisimbolo sila ng kasaganahan at kapayapaan dito sa kaharian namin," Espesyal pala ang mga isda na kanina kopa tinitignan, akala ko ay mga simpleng palamuti lang ang mga ito sa fountain para sa dagdag na kagandahan.
"Hindi mopa sinasagot ang tanong ko, Scylla. Kumusta naman ang pananatili mo sa palasyo?" Mababakas mo ang himig ng pagtatampo dito dahil hindi ko pinansin ang mga tanong niya kaya't napabuntong hininga ako bago sumagot.
"I'm alright, Sovanna. Don't worry. Actually, I need to tell you something," kasabay ng lamig ng hangin ang boses ko.
"Ano iyon?"
"Kung maaari ay gusto ko ng magpaalam sa inyo upang umalis dito sa palasyo, naghihintay lang ako ng tyempo magsabi kahit sa isa sa inyo ngunit abala kayo nitong mga nakaraang araw," Gulat naman napatingin ito sa'kin at mabilis na napalitan ang emosyon sa kaniyang mga mata, ngayon ay may halo ng pagkabigla at kaunting lungkot iyon.
BINABASA MO ANG
Scylla
FantasyThe cruelty of the royalties, the bloody crown, and a woman who is feared by the death itself. In an empire where power is everything, people are divided based on their wealth and fame, a system that only benefits and favored the rich, how will you...