Chapter 2 - Sudden Classmate

30 3 0
                                    

After a year...

It’s June, year two thousand and eighteen, the start of a new school year. Huling taon ko na ’to sa junior high school at sa susunod na Marso ay tatapak nanaman ako sa isang panibagong yugto ng aking pag-aaral.

I wanted this year to be the year of change in me, I wanted to do everything I could to have an awesome school year. Gusto kong maiba naman ngayong taon ang takbo ng buhay ko rito sa school namin.

By that, I’m stepping to a new path of opening my comfort zone. Just like what I’ve said a year ago, I wanted to join the dance troupe. Pero parang ’di ko na yata magagawa pang makapasok sa dance troupe dahil wala na ang dance troupe in the first place.

After what happened last year at the Sinulog sa Carcar, everyone in the dance troupe was so devastated that they called their leader out. Majority of them left the dance troupe because they already lost in the past three years.

May mga naiwan pa, pero kaunti na lang silang umaasang makakasayaw pang muli. Malabo nang magkaroon muli ng face troupe ang eskuwelahan namin, everything wasn’t even paying off for them. Nasasayang ang mga pinaghihirapan ng mga mananayaw.

At tungkol pa sa kumalat na tsismis last year, talagang nasira ang imahe ng lalaking ’yon sa buong St. Teresa School of Valladolid.

Sa pagbubukas ng panibagong yugto ng aking pag-aaral sa eskuwelahang ito, gusto kong magkaro’n ng pagbabago sa buhay ko.

Pero pa’no ko nga ba uumpisahan ang pagbabagong ’yon?

“Niña, Niña, pagmata! Moabot na ang atong magtutudlo sa Filipino, pagmata na!” (Niña, Niña, wake up! Our Filipino teacher is coming, wake up!) Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko at niyu-yugyog niya ’ko.

“Unsa karon? Gikapoy pa ko sa lesson ganina so pahuway kog gamay.” (What now? I’m still drowzee from the lesson earlier so let me rest a bit.) Pinilit kong ibangon ang katawan ko, hindi talaga ako nito titigilan.

“Tanga ka? Sa bisan unsang segundo karon, ania na siya. Mag quiz mi unya para mas maayo nga mag review ka. Pagmata, o kung dili, gitiktikan ko ikaw nga walay katapusan.” (Are you stupid? In any second now, she’ll be here. We’ll be having a quiz later so you better review. Wake up, or else I’ll tickle you endlessly.) Napakamot ako sa ulo ko, ito nanaman siya! Talaga nga naman, oo!

“Sige, sige! Mobangon ko, Mary!” (All right, all right! I’ll be up, Mary!) naiirita kong saad. Tuluyan na nga akong dumilat at inunat ko ang mga kamay ko. Dito ko na nga tuluyang naaninag ang isa sa mga kaibigan ko, si Mary Veneracion.

“Maayong butang, Nagtuo ko nga mag-uli na ko nimo hangtod nga biyaan ka.” (Good thing, I thought I would be ticking you again until you give up.) She rolled her eyes and leaned on her chair, I yawned once more. Kinuskos ko muna ang mga mata ko bago ako tumayo sa armchair ko.

“Anong oras na ba? Gusto ko nang mag-uwian.” Hikab ko pa, umupo muli ako sa armchair ko at inilabas ko na ang notebook ko sa Filipino para mag-review sa sinasabing incoming quiz daw ng gaga kong kaibigan.

“Ala una pa lang, mamayang ala una y media pa darating si Ma’am Ezpy, mag-review ka na lang dahil kung ’di ka magre-review at bumagsak ka eh hindi lang naman ikaw ang malalagot sa mga magulang mo eh, kami rin, madadamay kami sa ’yo.” Nilingon ko naman si Joseph na binabasa ang textbook niya ngayon.

“Kaya nga, ngayong grade ten ka pa talaga nagpepetiks-petiks eh ngayong year talaga ang labanan uy!” sabad muli ni Mary.

“Kayong dalawa lang naman ni Joseph ang naglalaban sa top one sa section natin eh, bakit ba dinadamay niyo pa ’ko sa mga gan’to!” reklamo ko naman. Sandali pa ay ibinaba ni Mary ang binabasa niyang libro at sinamaan niya ’ko ng tingin.

Santo Niño De CebuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon