“Karon, klase, mahimo nimong kuhaon ang imong paniudto.” (Okay, class, you may take your lunch.) Nang sabihin ’yon ni Ma’am Ques ay nakahinga na kami nang maluwag, sa wakas ay natapos na rin ng first period sa umaga.
Gutom na gutom na talaga ako kanina pa! Too bad, medyo malayo-layo ang canteen sa classroom namin. Lalakad pa ’ko nang malayo then makikipag-siksikan ako sa pilahan para lang makabili ng lunch, mabuti na lang at may nagtitinda sa labas ng gate, mas mura pa.
Kaso ang layo rin.
Piste.
Pero wala naman akong choice kung ’di lumakad nang malayo para makabili lang ng ulam, ang bobo ko sa part na Hindi ako nagbaon eh ako nga ’tong may-ayaw sa mahabang lakaran at pilahan sa canteen tuwing lunch break. Beats me, ’di ko rin alam kung bakit ’di ako nagbabaon.
Giatay ka, Niña.
Walang kabuhay-buhay akong lumabas ng classroom namin dahil ako na lang ang natitirang tao rito ngayon sa loob. Nauna na ’yong iba sa paglabas kanina kasi nga alam na ng mga ’yon ang pila sa canteen, ang iba naman ay lumabas na siguro ng school para makabili ng ulam na mas mura.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nanabatid ko sa sarili ko ang katamlayan, I couldn’t agree more. It’s been a really tiring morning for me lately, lalo na kanina sa Science. Ngayon ko lang nalaman na p’wede naman palang haluan ng numero ang Agham, animal na ’yan.
While walking down the hallway, I encountered various people who’s currently leaving their classroom to buy some lunch just like me, wala akong pinapansin dahil wala naman akong kilala sa kanina. Nakipagsabayan lang ako sa bugso ng mga tao, hanggang sa...
Nakita ko si Niño sa may locker area.
Tahimik lang siya ro’n at nakaupo sa isang bench sa tabi ng mga lockers, he’s eating a piece of bread and drinking some sort of juice. Parang nawala ’yong gutom at pagod ko no’ng makita ko ’yong lalaking ’yon, kaagad akong napaisip, ano nga ba ang ginagawa nito kapag wala siya sa classroom namin?
I feel like I need to know it for some reason, it’s making me curious than ever. Baka heto na nga ang hinahangad kong pagbabago sa buhay ko ngayong last year of junior high, naisip ko lang kasi parang inilalapit ako ng tadhana sa lalaking ’to just because of curiosity.
Hindi ko rin alam, hindi ko rin alam kung anong mero’n sa taong ’to na wala sa mga taong nakilala ko na. For me, he seems strange and yet... I like that kind of strange. Maraming mga tao ang sinasabing creepy daw siya dahil palagi siyang mag-isa, pero ang tingin ko naman ay napakamisteryoso niyang tao.
I stopped walking and I just stared at him while he’s eating, I coildn’t seem to know what to do and what to move. Para akong naglalaro ng chess, the more na i-expose ko ang mga piyesa ko without support ay mas lalo matatalo. Gano’n din sa sarili ko, the more na mahalata akong sinusubaybayan ko siya ay the more embarrassment ang matatamo ko.
Hindi ko namalayan, nakatingin na rin pala siya sa ’kin.
My eyes widened because of what happened, hindi ko maipaliwanag. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa biglang pagtitig niya sa ’kin, kaagad akong napaiwas ng tingin at nagpanggap na parang walang nangyari.
Nakakahiya talaga!
Dahil sa pag-iwas ko ng tingin ay ’di ko na nahagilap kung ano ba ang ginawa niya kasunod no’n, pagtingin ko muli sa direksiyon niya ay wala na siya ro’n. I just looked down and my hands started to tremble. Baka napansin niya ’ko kaya siya umalis!
Dios mio, Niña! Could this day get any worse?! Tama nga ang kasabihang, “Curiosity kills the cat.” Baka kung ano nang iniisip ni Niño about sa ’kin ngayon, but I badly want to know what happened to the club!
BINABASA MO ANG
Santo Niño De Cebu
Teen FictionSugbuanon Duology #1. Niña Fernando first had sympathy on Niño De Jesus, the leader of their school's cultural dance troupe, because the dance troupe is said to be disbanding because of it's three-year defeat against it's rivals. As a new school yea...