Chapter 3 - Curious About Him

20 4 0
                                    

“Sige, si Niño De Jesus ra ang nakakuha sa perfect score sa quiz karon. Mas maayong swerte sa sunod sa uban, kini ang matala isip unang pasulit sa bulan. Paalam, klase.” (All right, only Niño De Jesus got the perfect score on today’s quiz. Better luck next time to the others, this will be recorded as the first quiz of the month. Goodbye, class.) Saad ni Ma’am Ezpi Sumate, ang teacher namin sa Filipino.

“Paalam, Ma’am Ezpy, magkita ta ugma.” (Goodbye, Ma’am Ezpy, see you tomorrow again.) Tumayo kaming lahat sa ’ming mga upuan at nagpaalam na nga kami sa ’ming teacher. In no time, Ma’am Ezpy left the classroom.

Kaagad akong napaupo at idinukdok ko ang ulo ko sa armchair, lima ang mali ko sa quiz, mas mataas sa ’kin ng tatlong puntos sila Mary at Joseph—Susmaryosep! ’Di ako makapag-isip ng diretso dahil kasama naming nagqu-quiz kanina si Niño, maski bago siya rito sa section namin ay nakakuha pa rin siya ng perfect score!

“Hurot na akong utok sa quiz kanina, palihug ayaw na!” (My brain is exhausted from the quiz earlier, please no more!) reklamo ko habang nakadukdok sa arm chair ko.

“Natapos na ang among malipayong mga adlaw, Mary. Sa usa ka gamay nga panahon, adunay usa nga nakaangkon na sa titulo.” (Our joyful days are over now, Mary. In just a nick of time, there’s someone who’ve already the title.) Nilingon ko si Joseph nang magsalita siya, nanginginig na siya ngayon.

“Oo, kini natapos sa usa ka gamay nga oras. Wala gyud ko nakahigayon sa pagkuha niini tungod kay ikaw kanunay sa una nga ranggo apan karon, wala ako'y paglaum nga makuha nako ang bililhon nga bahandi.” (Yeah, it’s over in just a nick of time. I’ve never had the chance to take it because you’re always at the first rank but now, I have no hope that I can take that precious treasure.) Pagsang-ayon naman ni Mary kay Joseph na katabi lang nito, parehas silang nanginginig.

Parehas silang nagulantang nang dahil sa biglang pag-sulpot ni Niño, ’di na ’ko magtataka sa mga inaasal nila ngayon. Nasapawan sila ni Niño eh, sino ba namang grade conscious ang ’di mabo-bother kapag nasapawan ng isa.

Nakakapanginig-laman naman din kasi si Niño, ang cold ng personality niya at palagi lang siyang tahimik. Para siyang ’yong mga typical introvert sa mga nobela at mga anime, ’di ko alam na may gano’ng tao palang nage-exist sa totoong buhay—Niño was the living proof.

“Kayong dalawa diyan, ’wag na kayong umasang makukuha niyo pa ’yong pagka-valedictorian ngayong year. Mag-laban na lang kayo sa pagka-salutatorian kung ’di niyo kayang talunin ’yong bagong salta.” Mas lalo ko pang tinakot sila Mary at Joseph sa sinabi ko.

“Stop scaring us, hindi ka nakakatulong eh! ’Di ka ba natatakot? Someone is literally changing the game around here.” Pabulong na sabi naman ni Joseph dahil baka marinig siya ni Niño sa apat na row ng upuan lang ang layo sa ’min.

“Bakit naman ako matatakot eh ’di naman ako katulad niyong dalawa na die-hard para maging top one, kayo talaga, oo. Bahala nga kayo diyan.” I rolled my eyes then I turned my head away, pagtingin ko sa kabilang direksiyon ay nakita ko ang kinakaupuan ni Niño.

Nakakapanginig-laman talaga siya.

He’s just sitting there reading a sort-of book or a notebook, seryoso ang kan’yang muka habang nakatuon ang atensiyon niya sa binabasa niya. I turned my gaze away. ’Di ko alam pero somewhere over that aura, there’s something that really bothers me.

“Hoy, unsa imong gibasa, p’re?” (Hey, what are you reading, p’re?) Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong isang lalaking nagsalita mula sa ’king gilid. It was one of my classmates, a boy named Chris Fuentes, tatlong lalaki ngayon ang nakapalibot sa upuan ni Niño.

“Oo nga, unsa imong gibasa?” (Yeah, what are you reading?) Tanong pa ng isang lalaking kaklase kong nagngangalang namang Gio Jornadal, pero inisnab lang sila ni Niño dahilan kung bakit sila nanggalaiti.

Santo Niño De CebuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon