“Niña, asa ka paingon karong gabii?!” (Niña, where are you going this time of night?!) tanong ni Mama nang makababa ako nang hagdan. Nagmamadali kong sinusuot ang jacket ko habang suot ko ang plain t-shirt at jogging pants.
“Niña, asa ka paingon?” (Niña, where are you going?) tanong naman ni Papa. Hindi ako nakasagot dahil nagmamadali kong sinusuot ang rubber shoes ko, kinakabahan ako sa madadatnan ko sa school namin.
“Niña! Nganong wala ka motubag kanamo?!” (Niña! Why aren’t you answering us?!) Narinig ko nang sumigaw ko Mama kaya napatingin ako sa kanilang dalawa ni Papa.
“Dili nako mapasabot nimo ug tarong kay nagdali ko! Kung gusto ka muuban nako, lakaw! Moadto ko sa St. Teresa kay naay sunog sa gym! Naa sa sulod ang among mga costume ug props sa umaabot nga Sinulog sa Carcar!” (I can’t explain to you properly because I’m in a hurry! If you want to come with me, then go! I’m going to St. Teresa because there was a fire at the gym! Our costumes and props for the incoming Sinulog sa Carcar are inside there!) Kaagad ko nang tinalikuran sila Mama at Papa.
Tumatakbo akong lumabas ng bahay papunta sa sakayan ng bus rito, nang makasakay ako at maka-upo sa upuan ay todo ang kabog ng dibdib ko. Malalim ang pag-hinga ko habang tinatanaw ko ang nadadaanan ng bus.
Nang makababa ako sa harap ng school ay dali-dali akong tumatakbo papasok sa loob ng St. Teresa at kasama ko sila Mama at Papa ngayon, halos hingal na hingal na ’ko dahil sa sobrang pagod pero pinipilit ko pa ring tumakbo dahil baka kung ano nang nangyari.
May mga rumeresponde na rin ngayong bumbero at dinig na dinig sa buong school ang ingay ng mga serenang nagsisi-hunihan. I ran towards the location of our gymnasium. Marami na ring mga tao sa loob at halatang nangangamba rin sila dahil sa nangyayari.
I made up my mind, I ran towards the hallway and the corridors only to find the gymnasium engulfed in flames. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kasalukuyang nangyayari, parang nalulusaw ako, nanlalamig ako at nananamlay.
“Niña, salamat kay ania ka! Wala akoy mahimo bahin niini! Pasayloa kaayo! Pasayloa sa tanan!” (Niña, thank goodness you’re here! I couldn’t do anything about this! I’m very sorry! Sorry for everything!) Narinig ko ang isang pamilyar na boses.
Walang kaano-ano’y sinunggaban niya ako nang isang mahigpit na yakap, humihikbi siya, halatang nanghihinayang siya sa mga nangyari. Hindi ko pa alam ang buong sitwasyon pero sa mga inaasta ni Niño ay parang sobrang lala nito.
“Pasayloa ko, pasayloa ko! Pasayloa ko, wala koy mahimo! Pasaylo-a ko!” (I’m sorry, I’m sorry! I’m sorry, I couldn’t do anything! Forgive me!) Mapapaos na si Niño, napapikit na lang ako at yumakap ako pabalik.
“Unsay nahitabo?! Unsa may nahitabo, Niño?! Angayan ko makahibalo ug katin-awan!” (What happened?! What happened, Niño?! I deserve to know an explanation!) Hindi ko na rin mapigilang mapaluha, mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.
“Niño! Unsay nahitabo?!” (Niño! What happened?!) I couldn’t stop myself to shout, hindi ko na rin napigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
“Gitawagan ko ni Ma'am Minerva dinhi aron lang mahibal-an nga kini nahitabo. Wala silay maluwas bisan unsa, among mga costume, among props, mga instrumento sa banda—tanan... bisan ang imahe ni Señor Santo Niño. Ang tanan nahulog sa kalayo.” (Ma’am Minerva called me out here only to find out that this happened. They couldn’t save anything, our costumes, our props, the band’s instruments—all of it... even the image of Señor Santo Niño. It all came down with the fire.) He grieved bitterly.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, dito na nga bumagsak nang bumagsak ang luha ko. It’s all so sudden, kahapon lang ay nagpra-practice kami eh, kahapon lang suot-suot namin ’yong mga costumes namin, kahapon lang masaya kami kasi ang ganda ng production ng sayaw namin!
BINABASA MO ANG
Santo Niño De Cebu
Novela JuvenilSugbuanon Duology #1. Niña Fernando first had sympathy on Niño De Jesus, the leader of their school's cultural dance troupe, because the dance troupe is said to be disbanding because of it's three-year defeat against it's rivals. As a new school yea...