Chappy15: Caught

39 1 0
                                    

Dime's POV

Andito kami ngayon sa gilid ng dagat at naglalakad lakad. Kasama ko syempre yung boyfriend ko este boy friend kung si Seifur. If you get what I mean. Hohoho :3

"Dime, may tanong ako. Okay lang ba?"

Tumigil kami sa paglalakad at naupo sa buhanginan. Nasa bandang kanan ko sya at pareho kaming nakaharap sa tubig.

"Uh. Nagtatanong ka na po?" Tawa ko. "Joke lang. Go. Ano 'yon?"

"Ka ano-ano mo yung leader nyo?"

"Si kuya Gen ba tinutukoy mo? Hmm. Wala. Ka banda. Pero tinuturing ko na syang parang nakakatandang kapatid."

Tumango sya at ngumiti. "Ahh. Akala ko ano na."

Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Magtatanong sana ako kung anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya ng magsalita ulit sya. Ok. Shut up, Dime. Hahaha.

"Akala ko boyfriend mo sya." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya at agad na napatingin sakanya.

"B-boyfriend? Hahaha. San naman galing ang ideyang 'yan? Hahahaha." Hindi ko mapigilang hindi tumawa.

Mostly sa nakakakita sakin na kasama si kuya Gen unang impression talaga ay magkapatid kami. Pero hindi ko aakalaing iba pala ang iniisip ng Seifur na ito. Nakakatuwa. Boyfriend. Hahaha.

"W-wala. Akala ko lang talaga." Nakayuko nyang sabi. Nahihiya siguro.

"Maraming namamatay sa maling akala." At nagtawanan kami. "Pero 'di nga? Bakit mo nasabi na boyfriend ko sya? I mean.. usually kasi ang impression ng iba kapatid ko sya. Pero ikaw... bakit boyfriend?"

"Palagi kasi kayong magkasama." Umiling sya. "Sorry. Kalimutan mo na 'yon. Pasensya talaga."

Ngumiti na lang ako. Ang cute cute nya kasi kapag nahihiya. Namumula yung tenga nya. Mweee. Pwede kayang hawakan? Hahaha.

"Anyways, gusto mo laro tayo?"

"Ano namang klaseng laro?"

"Question and Answer."

"Eh diba pang Bb. Pilipinas lang yan?" Ngumiti sya sa sinabi ko. Waaah! Ang cute nya talaga.

"Ano? Game ka?"

"Sure. Sige, ikaw mauna."

"Ladies first." Iling nya. Ang gentleman naman nya. Hohoho :3

"Okay." Pout ko pa. Ngumiti ulit sya at tumingin sa may dagat. Namumula na naman tenga nya. "So? Ano yung una mo'ng tanong?"

Tumahimik sya saglit at parang nag-iisip ng tanong. Nakatingin lang ako sakanya at hinihintay na magtanong na sya. Bakit ba ang cute ng lalaking 'to?

Ang tangos ng ilong nya. Ang haba rin ng pilik mata. Tapos yung dimples nya ang lalim. Idagdag mo pa na maputi sya. Total package talaga. Nakalimutan ko pang isali na singkit din sya. Singkit na singkit. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki nasa kanya na.

Hindi lang din sya cute at gwapo. Mabait din sya. Pati talented. Perfect talaga. As in perfect for me. He is perfect for me.

"Dime?" Natauhan naman ako ng marinig ang boses ni Seifur. "Okay ka lang?"

"H-ha? O-oo. Okay lang ako. Hihi." Kamot ko sa batok ko. Ayan tuloy nahuli pa akong pinagpapantasyahan sya. "Ano na yung tanong mo?"

Napakamot naman sya sa batok nya. "May boyfriend ka ba? As in, ngayon?"

B-boyfriend? May boyfriend ba raw ako ngayon? Waah! Why is he asking? Why o why? May balak ba syang mangligaw sakin? Uwaaah! Gusto rin ako ni crush. Huehuehue~

Love BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon