Dime's POV
It's been two weeks since nahuli ako ng mama ko na tumutugtog sa Cauto. Two weeks na grounded at two weeks ko na ring hindi nakikita ang bandmates ko.
Nangahalumbaba ako sa study table ko. Ang boring na ng buhay ko. Pagkatapos ng klase ko sa hapon ay diretso agad ako nang uwi sa bahay. Kapag late naman ako ng uwi it's either susunduin ako ni mama sa school o ipapasundo sa mga estudyante nya. Haay buhay naman oh!
Kinuha ko ang ballpen na nasa table ko lang din at nilaro ito. Kumusta na kaya sina Kuya Gen? Ang tagal ko na talagang walang paramdam sakanila. Simula kasi nung eksena sa Cauto hindi ko na ulit sila nakausap. Bukod kasi sa hatid sundo ako ng mama ko ay binawian pa ako ng cellphone. Hindi ko tuloy sila matext. At saka, hindi ko rin alam kung nagtetext din ba sila saakin. Ako kaya? Namimiss din kaya nila ako?
Muli akong napabuntong hininga. Buhay naman talaga oh! Ang drama naman nitong storya ko. Wala bang comedy dyan?
"Ate, Ate!" Nagsisigaw na takbo ni Domo sa kwarto ko. Ngunit dahil sa lock ang pinto ko, nagdirediretso sya sa pagbukas dito kaya naghalikan malamang sila ng pinto. Pfft.
"Sakiiiit," Sigaw pa nya sa labas. Napangiti naman ako. "Ate, paki bukas."
"Bakit?"
"Papasok ako."
"At bakit ka papasok?"
"Para wala na ako sa labas." Umiling-iling akong tumayo at pinagbuksan sya ng pinto.
"Ano'ng kailangan mo Domo? Wala ako sa mood makipag -"
"Sinusubukan namin ni Francis pasukin ang kwarto ni mama."
"HA?!"
"Yuck! Showering 'yung laway mo ate." Hindi ko na pinansin ang reklamo niya at agad na lumabas ng kwarto at pumunta sa sala. Andudun kasi ang kwarto ni mama.
"Ano'ng ginagawa mo?" Agad kung inagaw kay Francis ang kutsilyong hawak nya. "Gusto nyo ba mapagalitan kayo ni mama?"
Tinignan nya lang ako with her usual look. Poker face.
"Asan ba si mama?" Tanong ko nalang sakanya. Nakakatakot naman ang batang 'to.
"Umalis! May meeting daw sila." Biglang singgit ni Domo sa usapan. "Ano Frans, nabuksan mo?"
Tumango lang ito sakanya at saka pinihit ang door knob ng kwarto ni mama. Whoa! Nabuksan nga.
"Pa'no nyo ginawa 'yon?"
"Kutsilyo." Tipid na sagot ni Francis at saka nauna ng pasok sa kwarto ni mama. Sumunod naman sakanya si Domo.
"Naku Domo kapag kayo nahuli dyan lagot talaga kayo."
"Wag nega bes. Mamaya pa 'yon si mama."
Napabuntong hininga nalang ako. Ano bang trip ng mga 'to at nire'raid nila ang kwarto ni mama? Bahala sila dyan. Ayokong madagdagan ang parusa ko.
Bumalik ako sa kwarto ko at dumapa sa kama ko. Ano bang pwedeng gawin? Bored na talaga ako. Mukha namang enjoy 'yung ginagawa ng mga kapatid ko pero ayokong sumali kasi baka dumating si mama at mahuli kami. Ako na naman mapapagalitan kasi ako 'yung matanda. Uwaaaah! Gusto ko na ulit tumugtog.
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako at binuksan ito. Malamang si Francis 'yan at may kukunin na gamit sa cabinet nya. Kapag si Domo naman kasi kumakatok, may kasama pang sigaw.
Bumalik naman agad ako ng higa sa kama ko pagkatapos kung buksan 'yung pinto. Matutulog nalang ako.
"Oh!" Napatingin naman ako sa bagay na bigla nyang itinapon sa kama ko at saka lumabas. Maiinis pa sana ako kaso nang makita kung cellphone ko pala iyong tinapon nya ay nawala 'yung inis ko.
BINABASA MO ANG
Love Band
Teen FictionA story where music is the foundation, creating relationships and circle of friends. But what if music turns the other way out? Would it still be a LOVE BAND?