Chappy17: True Friends (Part 2)

48 0 0
                                    

Dime's POV


Tahimik lang ako habang sumasakay sa umaandar na kotse. Katabi ko si Mama sa kanan ko at paalis na kami ngayon ng Cauto. Simula kasi nang lumabas ng kwarto si Mama kagabi, hindi na ulit kami nakapag-usap pa. Nakatulugan ko na rin kasi ang pag-iyak.

"Mare," tawag sakanya ni Tita Gee, kasamahan niya sa trabaho. "Ba't nga pala andito itong si Dime sa Cauto," bumaling ito nang tingin sa'kin. "May tour ba kayo?"

Ramdam ko naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano bang isasagot ko? Na tumakas ako saamin at nahuli lang ako ng mama ko sa akto? Hay.

Breathe, Dime. Breathe...

"Ahm... m-may nag-invite lang po kasi sa amin na tumugtog dito, Tita. Kaya po ganun." Kinakabahan kung sagot. Nag-uunahan sa pag pintig ang puso ko.

"Wow! Ganun ba? Sayang hindi kita nakita o narinig man lang na tumugtog. Pwede bang sampulan mo nalang kami? For sure maganda ang boses mo dahil maganda rin boses ng Mama mo."

"Dime." Agad akong napatuwid ng upo nang marinig ang boses ni Mama.

"P-po?"

"Sinong kasama mo sa Cauto?"

Tinignan ko muna si Tita Gee dahil may sinasabi siya sa akin kanina, pero tinanguhan niya lang ako at humarap muli sa harap ng daan. Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot.

"M-mga kaibigan ko po." Nakayuko kung sabi habang nilalaro ang kamay ko.

"Sinong mga kaibigan?"

"K-kaibigan ko po sa school."

Ayokong magsinungaling ulit. Pero kung sasabihin ko naman na mga kabanda ko ang kasama ko sa pagpunta ng Cauto, baka mas lalo siyang magalit sa akin sa oras na malaman niyang may banda ako.

Sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kotse.

"Ayokong nagsasama ka d'yan sa mga kaibigan mo ha? Natututo ka ng magsinunggaling sa akin, Dime. Masamang impluwensya saiyo iyang mga barkada mo. Kaya itigil muna ang pakikipag-kaibigan sa mga tulad nila. Naiintidihan mo, Dime?

"P-po? P-pero, hindi naman po..."

"Sa oras na malaman kung nagsa-sama ka pa sa mga barkada mo, hindi ako magdadalawang isip na ipatawag kayo sa Guidance Office. Ipapatawag ko rin ang mga magulang nila nang mapagsabihan sila sa mga pinagagawa nila. Kaya itigil mo na 'yang pagbabarkada mo, Dime. Itigil mo iyan kung ayaw mong mapahiya kayo ng mga barkada mo. Naiintindihan?"

Hindi ako sumagot at kinurot ang sarili ko. Boba mo talaga, Dime!

"Naiintindihan mo, Dime?" Mahina ngunit may diin na ulit nito sa tanong.

"O-opo..." natatakot na tango ko.

Ugh! Bakit ba kailangang natatakot nalang ako all the time? Bakit ba palagi nalang ako nagpapadala rito? Dahil sa takot ko na malaman ni Mama na may banda ako nadamay pa tuloy ang barkada ko. Ang selfish ko. Mas inuna ko ang pagiging duwag ko kesa sa pagsasabi ng totoo na hindi naman sila ang kasama ko pagpunta ng Cauto. Ngayon, hindi nalang banda ko ang pwedeng mawala sa akin, pati na rin ang mga taong itinuturing ko ng parang kapamilya- mga kaibigan ko.

Papansinin? Hindi papansin?

Kakausapin? Hindi kakausapin?

Kikibuin? Hindi kikibuin?

Ugh! Nakakainis. Ang aga aga at ito ako nag-iisip ng mga dapat gagawin. Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit hindi ko pinansin-pansin ang barkada. Ayan tuloy at parang lumalayo na silang lahat saakin. Nakakainis ka talaga Dime!

Love BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon