Chappy 19: Doubt

59 1 0
                                    

Seifur's POV

        "Sige, Seifur. Salamat ulit sa panglilibre. Sorry nakaltasan ko ang pera mo. Huhubels."

        "Ano ka ba! Okay nga lang kasi. Ang kulit din ng lahi mo noh?" Natatawang sabi ko. Kanina pa 'yan eh. Pauli-ulit siyang nanghihinge ng sorry sa panglilibre ko sakanya, kesyo nakunan daw pera na dapat inihuhulog ko sa alkansya ko para makabili ng set of drums. Okay lang naman talaga! Batang 'to talaga. Ang kulit.

      "Maganda lang. Hindi makulit." Tawa pa niya. "Sure ka talaga na okay lang—"

       "Dime..." Ngumiti siya ng sobrang lapad at saka nag peace sign. "Good. Sige na, baka kanina ka pa inihintay ng mga kaibigan mo sa McDonalds."

      "Ay oo nga pala! Sige, Sei. Alis na talaga ako. Tanchoooo sa libre!"

      "No probs."

      "Don't worry, ako naman manglilibre sa'yo next time."

       "Sige. Hihintayin ko 'yan." Ngiti ko. "H'wag mo lang sana akong takbuhan."

       "Eee..." nguso niya. "Alis na nga ako. Ang chika mo na." Tumatawa niyang sabi at saka naglakad paatras. Nakatingin pa rin saakin at kumakaway-kaway pa. Ngumiti naman ako at kinawayan din siya.

      Nang mawala siya sa paningin ko ay naglakad na rin ako paalis. May kailangan pa pala akong puntahan. Nakalimutan ko tuloy. Ang kulit kasi ni Dime. Ang daming pakwela! Nakalimutan ko tuloy 'yung oras.

      Bumaba ulit ako sa food court. Sakto namang pagkababa ko ay nag-abot ang tingin namin kaya mabilis siyang tumakbo palapit saakin.

      "Hi, babe." Naka-ngiti niyang sabi.

       "Kanina ka pa?" Umiling naman siya. "Sorry natagalan ako... may iginala pa kasi akong... bata."

       "Okay lang. So, saan tayo?" Kumapit siya sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad.

       "Kahit saan. Ikaw bahala."

       "Okay!" She beamed at hinila na ako.

        Pailing-iling nalang akong nagpahila sakanya.

♬♬♬♬

Viola's POV

      Andito kami ngayon ng barkada sa McDonalds. Tinopak na naman kasing manglibre itong si Annie kaya sumama kaming anim. Wala naman sa bokabularyo namin ang tumangi sa grasya noh? Tinext lang din nila si Dime na sumunod saamin sa McDo.

      Speaking of that girl... kumusta na kaya 'yun? Magkasama sila ngayon ng Seifur na 'yun eh. Nagulat ako ng biglang siyang nagtext saamin kanina. Message alert lang 'yon kaya agad namin siyang tinawagan. Hindi talaga uso magpaload sa babaeng 'yun. Lagot saakin 'yun, dume-date na. Naunahan pa ako!

      "Ang tagal naman ni Sweet at Ash. Saan ba nagpunta ang dalawang 'yun?" Naiinip na tanong ni Cell.

     "May binili lang sa food court. Babalik din ang mga 'yun. Relax lang." Jun

     "Mag order nalang tayo. I-order nalang natin sila." Annie

     "Mabuti pa." Tumayo silang dalawa ni Asia at nagtungo sa counter para umorder.

      Naiwan naman kaming tatlo sa mesa at nag-usap-usap.

      "Viola! Viola!" Hinihingal na takbo nila Ash at Sweet papunta sa table namin. "May chika kami..."

     "Ha? Ano naman 'yun? Umupo nga muna kayo!" Naghila naman sila ng upuan at saka hingal na hingal na tumingin saakin.

      "Ano bang nangyare at parang may tinakbuhan kayong dalawa? Nangnakaw ba kayo?" Binatukan ko si Jun.

Love BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon