Chappy17: True Friends (Part 1)

60 0 0
                                    

Viola's POV

Maaga akong pumasok ng paaralan ngayon. Nagising kasi ako sa nagsisigawan naming kapitbahay kaya maaga nalang din akong umalis ng bahay. Bukod pa ro'n, may gusto at kailangan din akong kausapin. For sure, nasa school na 'yun ngayon.

Nakarating ako sa room namin. Lima pa lang sila na nasa room dahil nga sa maaga pa.

"Himala! Ang aga mo ata ngayon, Viol." Tukso ni Asia sa'kin. Palibhasa sanay syang nakikita akong late.

"Goodmorning din, Esya." Pabiro kung binigkas ang pangalan nya. Tumawa lang sya.

Agad kung napansin ang upuan ni Dime na wala pang laman. Hindi pa pala sya dumarating. Ang aga ko lang ata.

"Siang. Si Dime?"

"Wala pa eh." Sagot nya. "Pero siguro darating na- G-goodmorning, Dime."

Napatingin naman ako sa pintuan ng pumasok dito si Dime dala ang bag nya.

Tinanguan lang nito si Asia at nagdire-diretso sa upuan nya. Ni hindi lang man nya ito tinignan.

"Excuse me." Mahina nyang sabi kaya umurong ako ng konti at binigyan sya ng daan.

Nilapag nya 'yung bag nya atsaka umupo at nilagay ang braso sa armchair sabay subsob ng mukha nya rito. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hoy!" Kulbit ko sakanya pero hindi sya sumagot. "May assigment ka na sa TLE?"

Tumango lang ito habang nakasubsob pa rin ang mukha sa armchair.

"Eh sa English? Medyo mahirap 'yun. Nakagawa ka ba?" Tumango lang ulit ito.

Tinignan ko si Asia at bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Kahit kailan concern citizen talaga. Pero hindi lang naman sya ang concern ngayon, pati na ako. At ang buong barkada.

Isa-isa na ring nadadatingan ang mga classmates namin pati ang barkada. Nauna si Jun, tapos si Annie tapos si Ash. Ano pa bang aasahan ko kay Sweet at Cell. Malamang late na naman 'yun.

Binabati ng lahat si Dime pero tumatango lang sya habang nakasubsob pa rin sa armchair nya. Nagkapalitan nalang kami nang tingin nina Annie, Jun, Asia at Ash.

***

"Dime, pupunta kaming canteen. Tara? Libre kita." aya ni Annie sakanya pagsapit ng recess.

"Hindi na. Salamat."

"No, I insist. Libre talaga kita. Kahit ano pa."

"Salamat, Annie. Pero ayoko talaga." Napanguso naman si Annie.

"Dime. Dime. Alam mo hindi ako perfect sa quiz kanina." Hirit din ni Jun. "Alam mo kung bakit? Tanungin mo ako, Dime."

Hindi sya nito sinagot kaya nagpatuloy nalang sya sa pagsasalita. "Kasi may mali ako." Sabay tawa pa nya sa hindi ko malaman kung joke ba 'yun o hindi. Sinamaan namin sya ng tingin kaya napa peace sign naman sya.

"Alam mo, Dime. May bagong joke si Ash." Pati si Sweet, nakihirit na rin. "Go, Ash sabihin mo na."

"Ano'ng tawag sa TV na flat ang screen?" umirap ako. Nasagot na 'yung tanong nya. "Diba flat screen? Eh, ano namang tawag sa TV na hindi flat screen?" dagdag pa nito.

Napaisip din naman ako. Ano ba?

"Ano, Ash?" si Sweet na ang nagtanong.

"Edi, PWET screen!" sabay tawa nito nang malakas. Nakitawa rin naman sila. Kinagat ko naman 'yung labi ko para pigilan ang pagtawa. Ewan ko pero parang nakakatawa naman 'yung joke ni Ash. And knowing Dime, tatawanan kahit sarcastic ang mga banat at jokes ni Ash na corny, pero ngayon wala lang sakanya. Ni hindi man lang sya umimik.

Love BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon