A/N : Happy New Year Everyone! :))
=0=0=0=0=0=0=
Viola's POV
"Rod, halika na malelate na tayo oh!"
"Wait lang naman daw. Malapit na"
"Bagal naman! >.< Mas mabagal ka pa sa babae ah!" andito ako ngayon sa tapat ng bahay ng pinsan kung si Rodney. Monday ngayon at obvious may pasok kami. 6: 55 am na kaya for sure, malelate kami nito pag hindi pa siya lumabas.
"Oh tara!" binilisan na namin sa paglalakad papuntang school. Walaking distance lang naman kaya hindi na kailangan sumakay pa ng motor. Mabuti na din yun ng makatipid nuh?
Nakarating kami sa skwelahan na late na nga. Hindi naman talaga late, pero nagsisimula na kasi yung Lupang Hinirang kaya hold kaming lahat na mga late. Di tuloy ako makapunta sa linya namin. =_____=
"Late tuloy tayo" bulong ko kay Rod ng matapos ang Pambansang awit. "Tagal mo kasi"
"Okay lang yan, makakaabot pa naman tayo sa attendance niyan eh" matapos ang opening prayer ay pina proceed na kaming mga late sa respective lines namin. School hymn na at nag-uunahan kami ni Rodney sa pagtakbo papuntang linya namin para makaabot pa dun sa attendance.
"Uy! Hi Viol. Hahaha" nakangising bati ni Asia saken. "Late ka na!"
"Ha? Hindi pa kaya!" tutol ni Rodney.
"Late na kayo uy! Hahaha. Di ko na kayo ililista" nakangisi pa niyang sabi ulit. Mahampas nga.
"Araaaay~ Ang sakit nun ah!" Asia
"Hindi pa naman kasi kami late eh. Kaw talaga Asia ah, ang daya daya mo. Ilista mo nga kami dyan!" tas inagaw ko pa yung attendance notebook niya. Tinignan ko ang pangalan ng mga classmate ko ng may makita ako. "Hindi late si Dime?"
"Hindi, himala nga eh. Mas maaga pa siya saken" maaga kasing dumarating ng school si Asia since siya yung secretary at kailangan niyang ilista ang attendance ng mga classmates namin tuwing flag ritual.
"Asan siya?" humarap ako dun sa unahan ng linya at pilit hinahanap si Dime. Himala nga talaga't maaga yun! Hahaha. "Dime!" tinawag ko siya ng makita siya sa bandang unahan ng linya. Weird. Hindi naman yan nagpapaunahan sa tuwing nakakasali siya ng flag.
"Uuu hello~~" kumaway kaway siya mula sa harap and as expected from her, lumipat siya sa unahan ko at hinampas pa ako. "Ooooy late ka nuh? Hahaha. Ako maaga ako"
"Halata nga, pero di ako late ah!" sabay hampas ko din sakanya, pero mahina lang naman. Kinontrol ko naman ng konti yung lakas ko kasi baka tumilapon ang isang 'to sa liit eh.
"Naka attendance ka na?" tanong niya at akmang tatawagin pa sana si Asia na ngayun ay nasa pinakadulo na ng linya.
"Tapos na"
"Ohhh" tumango tango siya at tsaka humarap sa unahan niya. "Ah nga pala! May chika ako sayo mamaya" sabi pa na talagang hinarap pa ako ulit.
Nagsibalikan rin naman kami sa mga rooms namin ng matapos na ang flag. Himala nga eh kasi walang na remain na years sa filed. Nadala na siguro. Hahaha.
"Goodmorning Dime" bati ni Annie sakanya. "Hi Viol, goodmorning" sabay ngiti pa niya.
"Tss. What's good in the morning if your face is infront of me?" pambabara ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Love Band
Teen FictionA story where music is the foundation, creating relationships and circle of friends. But what if music turns the other way out? Would it still be a LOVE BAND?