Chapy12: Text

77 1 0
                                    

Dime's POV

Matapos akong tulungan ng 4Tech, ang pangalan ng banda ni Seifur na hanapin ang mga kabanda ko ay hinatid naman kami ni Kuya Gen sa bahay nina Memie. Sleepover muna ako since yun naman ang paalam ko sa mama ko.

"Paano mo nakilala ang 4Tech?" tanong ni Kuya Gen habang nakatingin lang sa daan habang nagmamaneho.

"Ahh!! Kanina ko lang nameet yung buong banda nila. Si Seifur at Kuya Jerry naman ay sa mall ko nakilala, ka churchmate kasi sila nung kaibigan kung si Viola" explain ko naman habang diretso ding nakatingin sa labas. Nasa front seat kasi ako katabi ng driver seat habang nasa likod naman si Memie.

"Eeehh Dime, close ka sakanilang lahat?" Memie

"Hmmm.. Siguro? Hehehe" napakamot naman ako ng ulo ko. Close nga ba ako sakanila? Siguro? Close kami ni Seifur eh. Yiiiii~

Naaalala ko nanaman yung oras na nagsasama kami the whole time sa plaza kanina. Kung pwede nga lang sana natagalan pa bago ko makita yung kabanda ko para makasama ko pa lang sana ng mas matagal si Seifur. Yaaaayyykksss~

"Hoooy Dimeee!!!"

"Aray~~ ang sakit nun haaa.." sabay nguso ko at himas nung pisnge ko. Kinurot ba naman yung pisnge ko. Ang sama talaga ng Memie nato. >O<

"Para ka kasing timang dyan. Mag-isang nakangisi. Siguro nag dedaydream ka nuh? Ayeeee~ Sino ba yang iniisip mo ha? Ha? Yung drummer ng 4Tech nuh? Yung.. ano ngang pangalan nun?"

"Ha? Hindi ah! Kaibigan ko lang yung si Seifur. Hmmpf!!"

"Oooyyyy Seifur daw. Hahahahaha. Iniisip ni Dime si Seifur. Ayeeee~~"

"Hindi nga sabi eh. Bahala ka dyan!" at napanguso ako habang tumingin sa labas ng bintana. Nakakainis eh. Eh ano ngayon kung iniisip ko si Seifur? Eh ang sa bait niya sakin eh. Hmpf!

"Oooy pikon siya. Hahaha. So totoo nga? Iniisip mo siya?" patuloy na pangungulet ni Memie. Hindi ko nalang siya pinansin kasi ayoko namang tinutukso ako. Mabilis kasi akong mainis eh. >O<

"Tama na yan Me, mukhang pikon na yan eh" singgit ni Kuya Gen. Sinamaan ko lang siya ng tingin kasi hindi naman ako pikon eh. Naiinis lang. Pssssh. =______= "Gusto mo siya nuh?" bigla naman akong nasamid kahit wala akong iniinom o kinakain sa tanong ni Kuya Gen.

Ako? Gusto si Seifur?

Maybe.....??

"Well, I assumed you really are" napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya. Ano ba yan! Ayan na naman siya sa 'assume na assume' na yan. Iniisip ko pa nga. Excited naman. -____- Kinurot ko din si Memie kasi tinatawanan ako eh. Pagtulungan ba naman daw ako.

"Hindi ko nga kasi gusto si Seifur! Kaibigan lang sabi eh. Friends. Yun, friends lang kami. Nothing more!" sigaw ko. Mas lalo namang lumakas yung tawa ni Memie kaya humarap nalang ulit ako sa bintana. Nakakainis eh. Arrrggghhh!!! >__________<

"He likes you..." napatingin naman ako kay Kuya Gen sa sinabi niya.

"Ha?" tumingin naman siya sakin atsaka ngumiti.

"Andito na tayo" napatingin naman ako sa bahay na hinuntuan namin.

"Is this your house?" tumango naman siya at nauna ng lumabas ng kotse. "Thanks Gen!" bumaba na din ako ng kotse gaya ng ginawa ni Memie.

"Pasok na kayo. Sunduin nalang kita bukas Dime para ako na maghatid sayo sainyo" tumango nalang din ako at nagwave sakanya. Pinagmasdan muna naming mawala yung kotse niya bago kami pumasok sa bahay nina Memie.

"Ang ganda naman pala ng bahay niyo. Ang cute nung kulay" pumasok kami sa bahay na may pagka peach na may pagka puti yung kulay. Ang cuute lang. Tama lang din ang laki nito at sakto lang talaga para sakanila. Pareha lang din samin. ^____________^

Love BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon