Dime's POV
"You're a true oooh friend.. you're here 'til the end. You pull me aside when something ain't right, talk with me now and into the night 'til it's alright again... you're a friend..."
Pumalakpak ako matapos nilang kantahin ang last part ng kanta. Nag bow sila at naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Nakihiyaw rin ako syempre. Parang may nangyareng isang mini concert eh. Free admission at especially dedicated for me! Saan ka pa!
"Ehem," natigil kami sa paghiyaw at tinignan si Viola na hawak ang mic. "Thank you fans. Thank you!" Kumaway-kaway pa ito. "Pero hindi libre ang concert na iyon."
"Boooo! Hindi ka naman kumanta eh." Sigaw ng ilan sa mga kaklase ko kaya nagkatawanan kami.
"I'm preserving my voice, yah know? For the betterment of our future."
"Weh? Ang sabihin wala ka sa tono." At nagkatawanan ulit kami.
"Pero h'wag ka nga muna Rey! Hindi ikaw kausap ko ha. Mamaya ka na magpa autograph, mkay?" Behlat niya sa kaklase kung si Rey na kanina pa sabat ng sabat. Tumimgin siya saakin at ningtian ako.
"Dimeshelaire!" Sigaw niya. Napatakip naman kami lahat ng tenga dahil sa lakas ng sigaw niya. Isali mo pang naka-mic siya. Tss.
"H'wag ka ngang sumigaw!" Reklamo ni Jun. Nag peace sign lang ito rito.
"Oo nga! Nasa classroom lang naman tayo." Dagdag pa ni Sweet na kunot ang noo.
"Ibaba mo nga 'yang mic. Ang lakas naman ng boses mo. Hindi ka pa naka-get over sa performance natin 'te, ganon?" Annie
Inirapan niya lang ito. "Whatever." At ibinaba nga niya ang mic.
Nagsilapitan silang pito saakin at pinalibutan ako. As in, circle talaga. Wow! Para kaming naglalaro ng sisira ang bulaklak, bubuka ang bulaklak. At syempre, ako ang reyna. Maganda ako eh!
"Uh, maglalaro ba tayo?" I asked. Hindi naman kasi sila umiimik. Tahimik lang nila akong tinitignan. Nakaka-awkward! *insert baklang boses here*
"Sorry, Dime." Sabay-sabay nilang sabi.
"Whoa! Kailangan sabay-sabay? Grabe kayo ha. Ilang araw niyo 'tong pri-ni-pare?" Buri ko pa.
"Hindi namin alam kung bakit bigla ka nalang hindi namamansin saamin. Hindi ka naman kasi ganon. Akala namin namatayan ka lang ng pusa kaya ka nagkakaganon, pero grabe, ang tagal mo naman maka-move kung namatay lang nga ang pusa niyo at umabot pa ng mahigit two weeks ang hindi mo pagpansin saamin." Litaniya ni Asia.
"Nag-alala talaga kami, Dime. Akala namin may nagawa na kaming hindi maganda saiyo ng hindi namin namamalayan at nagalit ka na pala saamin." Annie
"Pero naisip din namin na baka, baka lang naman, may problema ka? May problema ka ba, Dime?" Tanong ni Jun. Binatukan siya ni Viola.
"Kaya ito at gumawa kami ng plano para pansinin muna ulit kami." Nakangiting sabi ni Sweet. "Si Ash nag suggest by the way."
Tinignan ko si Ash na ngayon ay nagpapa-cute. Hinihintay na puriin.
"Thank you, Ash." I smiled at her.
"Yebaaa! Nag smile si Dime. Nag smile na si Dime. Wohooo! Ako una niyang ningitian. Ako pa una pinansin. Huehuehue~" parang batang sabi nito habang naglulundag at nagsasayaw.
BINABASA MO ANG
Love Band
Teen FictionA story where music is the foundation, creating relationships and circle of friends. But what if music turns the other way out? Would it still be a LOVE BAND?