Memie's POV
"Yeeeeey~ Aalis kami, aalis kami, aalis kamiiiii~~" paulit-ulit na chant ni Dime. Kanina pa talaga yan. Simula pagdating niya kaninang umaga dito sa Grill ay yan na lang ang paulit-ulit niyang sinasabi at kinakanta. Hindi na nga namin makausap ng maayos eh.
Ngayong araw ang alis namin papuntang Cauto, isang beach resort sa kabilang bayan. Ininvite kasi kami ng manager nila na tumugtog sa resort nila for three days dahil bagong bukas daw yung resort nila. And to say na sila pala yung nag pa BoB this year ay imbitado lahat ng nanalo nung contest sa resort niya.
"Wag kang masyadong ma excite Dime, baka di tayo matuloy" pangungulet ni Zion sakanya.
"Matutuloy tayo nuh? I declare!" nakangising sagot nito sabay benehlatan si Zion. Napabuntong hininga na lang ako sa inasal nilang dalawa. Ang isip bata talaga. Sure ba talagang 4th year highschool na to?
"Oy! Nasa labas na ang sundo natin" saad ni E3 na kakapasok lang galing sa labas ng Grill.
Nagsiayusan naman kami ng gamit at kanya-kanyang buhat nito pababang Grill. Dalawang sasakyan ang nakaparada sa labas at sakay na nito ang tatlong banda. So kami nalang pala ang kulang. Sumakay kami sa sasakyan na nasa tapat lang ng Grill since yun naman ang parang vacant pa. Puno na kasi ang isang sasakyan dahil andudun ang dalawa pang banda.
"Goodmorning" bati ng leader ng bandang 4TEch sakin. Nagrespond naman ako at humanap ng mauupuan.
"Hi kuya Jerry! Wow, magkasama pala tayo sa bus" nakangiting saad ni Dime pagkaakyat sa sasakyan. "Hi Sei" wave din nito kay Seifur pagkakita niya dito.
"Hi" ngumiti ito. Wew! Ang cute naman ng mata. Singkit masyado. Pero di ko siya type, hindi naman ako mahilig sa singkit eh. Actually, mahilig ako sa....
"Aray!" sinamaan ko siya ng tingin. "Watch your step E3. Ang sakit nung pagtapak mo ah!"
"Sorry, sorry. Di ko kasi nakita, ang dami kung dalang bag. Hehehe" pacute nitong ngiti. Inismiran ko lang siya. Yan! Yan ang tipong lalaking gusto ko. Tsk. Ewan ko ba kung ba't ako nagkagusto sa E3 na yan eh ang takaw takaw naman niyan, idagdag mo pang clumsy siya minsan. =______=
Nang makaupo na kaming lahat ay umandar na yung sasakyan.
"Zion!" sigaw ni Dime. "Kitams? Matutuloy tayo nuh? Bleeeeh" nagtawanan kami sa isinigaw ni Dime, pati ang grupong 4Tech nakitawa rin. Close ata sila kay Dime kasi silang lahat binati ni Dime kanina eh. Wow ha? Friendly nga naman ng babaeng to.
Tahimik lang yung byahe papunta namin sa Cauto. Well, maliban nga lang kay Dime na busy kakachicka kay Seifur ng kung ano-anong bagay. Actually, magkatabi sila ng upuan and I can see from where am I sitting na enjoy na enjoy sila sa topic nilang dalawa. Something's fishy here. XD
Dumating kami sa resort mga bandang 3pm na ng hapon. Di ko na alam kung ilang oras ba yung byinahe namin since nakatulog ako at nagising na lang sa tapik ni E3 sa pisnge ko. Kita mo to, kung makapanapik ng pisnge wagas! Kinuha ko yung mga gamit ko at agad na bumaba sa bus, ako na lang kasi yung naiwan sa loob.
"Welcome to Cauto Resort, everyone" salubong samin ng manager ng resort. Kilala ko na siya since isa siya sa judges nung Bob. Bumati naman kaming lahat. "Are you all complete?"
"Sir" I raised my hand. "Susunod nalang po dito yung isa pa naming kasama, may importante lang kasing ginawa" tumango naman yung manager.
"Thank you sa pagdalo sa invitation ko. Gusto ko kasi maging bibo at masaya tong opening ng resort namin kaya ko kayo ininvite lahat. Congratulations nga pala sa pagkapanalo"
"Thank you sir" we chorused.
"Is it okay if ipahatid ko na lang kayo sa mga staffs ko dito? May ememeet pa kasi akong mga tao. So if you'll excuse me, aalis muna ako. Salamat sa pagdalo anyway" and with that he left us with his staffs. Hinatid naman kami nung mga staffs sa assigned rooms na pagtutulugan namin. Three days and two nights din kami dito nuh. Syempre, magkakasama sa iisang room ang mga girls at yung mga boys din naman. Matapos naming ayusin yung ...mga gamit namin sa room ay lumabas kami papuntang hall area para tignan yung lugar na pagtutugtugan namin.
BINABASA MO ANG
Love Band
Novela JuvenilA story where music is the foundation, creating relationships and circle of friends. But what if music turns the other way out? Would it still be a LOVE BAND?