Memie's POV
Maaga kaming nagkita-kita ng banda sa Grill. Ngayong araw na ang contest at kailangan pa daw namin mag rehearse for the last time. Masyado kasing kinakabahan si Dime. First time nga naman. Matapos ang rehearsal namin ay nagtungo na kami sa City Gym, dun daw kasi iheheld ang Battle of The Bands ngayon. Dati, sa plaza lang yun pero ngayon iba na.
Naghanap agad kami ng mauupuan dahil sa sobrang dami ng tao. Napapansin ko nga si Gen na nakahawak sa ulo ni Dime at parang nilelead ito sa daan. Siguro, kung hindi matanda ng ilang taon 'tong si Gen, iisipin ko may gusto siya kay Dime. Pero malabo yun kasi may First Love na si Gen. Eeeeekkkk~
"Dito nalang tayo. Kita rin naman eh" nagsiupuan na kaming anim at humarap dun sa stage. Hindi naman kami ganun kalayo o kalapit sa stage, sakto lang para makita namin ang mga magpeperform.
Patuloy pa rin ang pagdasa ng mga tao sa gym. Buti nalang kaya ma accomodate ng lugar ang more on 13k+ na mga tao, kundi para kaming sardinas sa siksik kami nito.
"May hinahanap ka?" napalingon naman kaming lahat kay Dime na mukhang di mapakali at palingon lingon sa paligid. Ngumiti lang siya at naghand signal na wala at nagpatuloy sa pagmamasid sa palagid.
Dime's POV
Andito na kami sa gym at nakahanap na din kami ng upuan. Ang daming taong naglalakad at tila naghahanap din ng mauupuan. Buti nalang mabilis maghanap 'tong mga kasama ko. Habang nakaupo kami sa pwesto namin ay hindi ako mapakaling hindi magmasid sa paligid. Madami kasing kakilala si mama at nagbabasakali lang akong meron nga, or worst, si mama mismo ang andito. Kinakabahan na nga ako sa contest, pati ba naman sa posibilidad na andito yung mama ko. Ang paalam ko kasi is mag oovernight kami sa bahay ng classmate ko kasi may project. Naku, sana kumagat yun!
Nagsimula ng umilaw ang mga lights sa stage. May isang babae at isang lalaki yung umakyat dito na may dalang mic. MC siguro. Nagsalita sila at tila parang nasa sabungan kami dahil sa tilian ng mga tao. Mas lalo akong kinabahan.
"You okay?" tanong ni Kuya Gen sakin, na ngayon ay katabi ko pala sa pag-upo. Awww, masyado akong naging busy sa kakamasid to the point na nakalimutan ko yung presensya nila.
"I guess? Baka kasi andito si mama o kakilala niya" ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Megesh! Ayoko ng ganito. Viola >_______< Sana andito yun! Nasabihan ko na din naman yun tungkol sa contest pati yung iba pero puro try lang nila yung sagot nila eh.
"It's okay. Kung andito eh andito, diba? Give your best shot para ma proud siya sayo" sana ganyan kadali. Kung sana di lang shotgun ang bibig nun. Haaay naku!!
May lumapit samin na isang babae na may bitbit na folder o something. Isa ata sa mga organizer ng contest? Pinatawag niya kami at nagsipuntahan naman kami sa backstage. Di nalang sinama si Memie kasi walang magbabantay sa mga upuan namin. Maagawan pa kami. Pagdating namin sa likod ang daming grupo. Kung tatanchahin, mga nasa 10+ yung grupo na sasali sa contest. Yung iba halata na drummer kasi may bitbit na drum stick, yung iba naman is may nakasabit pang gitara sa likod. Basta, ang daming tao. May mga babae din na sasali. All girls kung baga sila sa banda.
"Oy Dime!" napalingon naman ako sa taong tumawag ng pangalan ko.
"Oy!" I said ng magkaharap na kami.
"Buti sumali kayo. Galingan mo ah?" and he smiled. Waaaaaaaahh~~ Feeling ko malalaglag panty ko nito. Shocks. Ang cute niya pa rin kahit paglumaan na ng panahon. Ansaveh ni Dime? Hohohoho :3
Nagkamustahan lang kami ni Seifur at naghiwalay din naman (di pa nga kami, hiwalay na agad) LOL. JOKE LANG YAN! >O< Binigyan kami ng few instructions nung babaeng lumapit samin kanina at nagkanya-kanya din naman kami ng balik sa mga upuan namin. Hindi ko na ulit nakita si Seifur kasi bigla nalang kumapal yung mga tao. Eh hindi naman ako ganun katangkad para makita siya in between sa mga tao.
BINABASA MO ANG
Love Band
Teen FictionA story where music is the foundation, creating relationships and circle of friends. But what if music turns the other way out? Would it still be a LOVE BAND?