Chappy 20: More Than A Band

56 1 0
                                    

Domo's POV

Pagkatapos ng klase namin sa hapon, sabay-sabay kami nina Dwight, Adones at Rex na lumabas ng room. May usapan kasi kaming tatlo na maglalaro kami ng Dota pagkatapos ng klase. Matagal-tagal na rin kasi na hindi kami nakakapaglaro ng magkakasama kaya eto at magpupustahan kami. Maliit na pera lang naman, hindi naman masyadong malaki so walang dapat ikabahala.

Naglalakad pa lang kami palabas ng school nang maramdaman kung nagba-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Uy! May tumatawag. Sino kaya? Kinuha ko ito at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang caller.

Mother rider calling...

Hala! Ba't kaya ako tinatawagan ni Mama? Hindi kaya naka-hearing siya na maglalaro kami ngayon nina Adones ng Dota? Hindi naman siguro. Baka naman namali lang ito ng dial. Oo, tama! Namali nga lang ito. Hindi ko nalang ito sasagutin para hindi makunan ang load niya. Hah! Ang talino ko talaga.

Ipinasok ko ulit ang cellphone ko sa bulsa at hinayaan itong nagba-vibrate. Tumigil din naman ito kalaunan. Tama nga ako. Namali lang talaga iyon ng dial.

"Tae!" Halos mapatalon ako sa gulat ng maramdamang nag vibrate ulit ito. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa at katuld ng kanina ay si Mama pa rin ang tumatawag. Hala! Baka may sasabihin nga.

Dali-dali kung sinagot ang tawag niya. "Hello Madurney!" Masayang bungad ko sakanya.

"Saan ka? Ba't ang tagal-tagal mong sagutin ang tawag ko?" Nyay! Hulaan ko, umuusok na siguro ilong nito.

"Pauwi na po. Bakit, Ma?" Pa-cool ko pa ring sagot.

"Okay. Pag-uwi mo sabihan mo ang Ate Dime mo na sa labas tayo kakain ngayon. Sabay na kayong dalawa pumunta at nasundo ko na si Francis sa skwelahan nila."

"Saang labas po tayo, Ma? Sa labas bahay po ba? Ilalabas ko po ba ang lamesa?"

"Sa grill tayo, Domo." May halong pagkairita 'yung sagot niya. Ay! Sa labas pala na restaurant. Sorry naman. Baka naman kasi sa labas bahay lang. Masakit 'yun kapag nag assume ako na sa isang restaurant talaga kami kakain.

"Wow! Saan po tayo kakain, Ma?" Halata ba sa boses ko ang excitement? Ay, tama kayo! Excited nga ako. Masarap kaya ang ulam sa labas, lalong-lalo na sa mga grill. Kaya let's rock n' roll na ito.

"Sa Escape Grill."

♬♬♬♬

Matapos magbayad ni Ate Dime ng pamasahe sa motor na sinakyan namin papunta sa Escape Grill ay sabay kaming umakyat sa Main floor nito. Medyo naiinis nga ako kasi kung makaakyat naman itong si Ate Dime ng hagdan, eh, ang bagal-bagal. Ano 'to debut? Pero diba kung debut pababa naman? Hay nako. Ewan ko kung anong nangyayare rito sa kapatid ko. Basta, gutom na ako!

"Ate Dime, pwede bang bilis-bilisan mo naman iyang pag-akyat mo? Ano 'yan nahihirapan ka? May athritis ka na ba?" Kamot ko sa ulo ko.

"W-wait lang naman. Kinakabahan ako."

"Nge! Bakit ka naman kinakabahan d'yan? Wala naman sigurong kakain sa'yo sa loob diba?" Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at sinimulan siyang hilain paakyat. Gutom na talaga kasi ako. At hindi ko kayang hintayin pa siya sa pa slow motion niyang pag-akyat sa taas na animoy may ayaw makita.

Wala naman na siyang nagawa sa ginawa kung paghila sakanya. Kahit ano naman kasing pagpalag niya ay hindi niya pa rin natatanggal ang pagkakahawak ko sakanya dahil mas malakas naman ako. Isali niyo ng mas matangkad. Talo talaga siya. Nang makita ko kung nasaang table naupo sina Mama, Frances at isang babae na may bangs ay agad ko itong nilapitan. Syempre, hila-hila ko pa rin si Ate. Ano ba talagang nangyayare dito? Kanina pa siya palingu-lingo sa paligid na animoy may hinahanap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon