Chappy6: Practice (part 3)

89 1 0
                                    

Zion the Pianist in the side -->

=0=0=0=0=0=0=0=

Viola's POV

Nakaupo lang kami sa isa sa mga tables dito sa Grill while nagpappractice sina Dime. Pinapakinggan ko lang din sina Asia at Annie na magchismisan since wala naman ako sa mood makipag-usap. 

"Ang gwapo gwapo nung nag giguitar" rinig kung sabi ni Annie. 

"Oo nga. Kyaaaah~ Tama nga si Dime, gwapo nga talaga yung mga kabanda niya. Hahahah" parang kinikilig pang sabi ni Asia. Psssh. Gwapo daw eh mapuputi lang naman. =_____= Mas gwapo pa din si Jerry. 

*Slap*

"Oh! Nu nangyare sayo?" nagulat silang dalawa nung bigla ko nalang sampalin yung sarili ko. Ano ba naman kasi yung sinabi ko diba? Kalimutan niyo yun! Ngayon na!! >_____<

"Wala" sagot ko at tumingin dun sa stage. "Wala ba kayong namumukhaan dyan sa naggiguitar?" tanong ko sakanila na nakatingin pa din sa stage.

"Ha? San dyan? Yang gwapo?" tanong ni Asia.

"Gwapo naman yan lahat eh" bulong pa ni Annie. Psssh. =______=

"Yang nagbaback up kay Dime sa pagkanta" ngumuso ako pinpointing yung Gen na gwapo daw. Tsss. Di naman.

"Ahhhh.." tas tinignan nila si Gen ng mabuti. "Ah!" napatingin naman sina Memie kay Asia kasi bigla bigla nalang sumisigaw. "Magkamukha sila ni Dime???" kumunot pa yung noo niya na parang di sure sa sinasabi. 

"Hmmm? Kamukha ba? Di naman ata" tinignan din ni Annie si Gen. "Pero, parang. Ah ewan, siguro sa malayo lang??" dagdag pa niya. 

"Magkamukha si Gen at Dime nuh?" rinig kung bulong ni Haile kay Ran. Uso ata bulungan dito? =____= Wala namang tao. Every night lang kasi daw dumadayo ang mga tao dito sa Grill nato since may mga pasok ang majority sa mga customers nila. Kaya eto kami, free na free sa panunuod ng practice nila Dime. Narinig ko lang naman yan kay Memie kanina. 

"Oo nga nuh? O baka hindi? Siguro sa angle lang?" parang sagot na tanong nung si Ran. "Magkapatid ba sila?"

"Ha? Di ah! Wala namang kapatid si Gen at diba bago lang sa banda si Dime? Malabo naman yun" sagot ni Haile sakanya na parang di naniniwalang magkapatid daw yung dalawa. Di naman talaga. Si Domo naman kapatid ni Dime eh =_____=

Tinignan ko ulit yung Gen na ngayo'y nasa stage at tumutugtog. Magkamukha sila ni Dime. Konti lang naman. Sa angles lang siguro. Yan siguro sinasabi ni Dime na parang nakita na niya si Gen, kasi nga parang nakikita niya sarili niya kay Gen?? Ganun ba yun?? =____= Malabo!

"Five minutes rest." sabi nung si Gen matapos tugtugin yung kanta. Nagsibabaan naman sila dun sa stage at nagsipuntahan sa table namin. Nasa iisang table lang kasi kami nina Memie since malaki naman ito. 

"Hi Dime, ang galing mo" puri ni Annie sakanya. 

"Hehe thanks" sabay upo dun sa tabi ko. "Galing ko nuh?" sabay posing na parang gwapo siya. =____=

"Hangin naman~" commen ko nalang. Baka lumaki pa kasi lalo yung ulo eh.

"Oh nga pala, sina Ash at Sweet wala?" tanong niya kina Asia. 

"Wala ata? Di nagtext eh" sagot naman ni Annie. "Baka late lang?"

"Ngeee.." tas sinandal niya yung ulo niya dun sa table. Sandal ba tawag dun? Basta yung hiniga niya mukha niya towards the table. Matutulog ata??

Love BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon