Chappy7: We Meet Again

126 0 0
                                    

Domo's POV

"Huuy! Gising na" yugyug nung gumigising sakin. Ano ba yan, ang aga aga pa eh. "Huuuyyy!! Huuuyyy!! Huuuuyyyy DOMOOOOOOOOOOO!!" napabalikwas naman ako ng bangun ng bigla niyang sigawan ng pagkalakas lakas ang tenga ko. >____________<

"Anoooo??!!" bulyaw ko sakanya sabay kalot sa batok ko. Inaantok pa ako eh. 

"Gising na daw sabi ni mama!" tas bumaba siya dun sa kama ko. Nakapatong eh. "Linisin mo daw yung banyo" sabay labas niya sa kwarto ko. "Bilisan moooo!!" sigaw pa niya. Aish. Cr na naman? Ba't ba ako parati inuutusan maglinis ng Cr??!!

Tumayo ako dun sa kama ko at lumabas ng kwarto. Di ako mahilig magligpit ng kama ko. Si Ate Dime na bahala dyan, di niya rin naman matitiis ang kamang yan eh. *Evil Grin*

"Anong ulam??" lumapit ako kay Ate Dime na ngayo'y nasa harap ng stove. 

"Pritong--- AYYY!! TABI DYAN, TABIII~!" tas nagtatalon pa siya palayo dun sa stove. "Phew~ Buti nakaiwas, sakit nun pagnagkataon" nilapag niya yung hawak niyang luwag at dahan dahang tinakpan yung pinaglulutuan niya.

"Pritong isda?" pagtatanong ko ulit. Di ako pinansin eh. 

"Oooh" tas ngumiti pa ng pagkalapad lapad. ^________^ Para siyang baliw!

"Para prito lang ganun ka na makareact! Tss" umupo ako dun sa mesa namin at pinagmasdan siyang nagwawalis.

"Masakit kaya matapunan ng kumukulong oil. Ikaw kaya!" nakapamewang pa niyang sabi. Ang payat! =_____= "Maglinis ka na ng Cr dun, abutan ka pa ni mama ngayon"

"Asan ba siya?" tanong ko malamang. Tahimik kasi yung bahay at isa lang ibig sabihin nun, wala si Mama. $____$

"Namalengke lang saglit. Linisin mo na kasi yung banyo, bilis! Mapagalitan pa ako dahil sayo eh" at humarap ulit siya dun sa stove. "Be good to me fishy fishy~ Wag mo kung tatapunan ng oil kasi masakit yun~" kausap niya dun sa pinalulutuan niya. 

"Hinaan mo lang kasi yung apoy. Kaya pumuputok yang oil dahil sa sobrang init niyan" sabi ko sakanya. Ang lakas lakas naman daw kasi nung pagkaka on niya sa apoy. May planong sunugin ata ang bahay eh. =_____=

"Eh matagal yan maluluto pag hininaan ko." pangatwiran pa niya. Boba talaga, san ba utak niyan? "Domo, paki abot nung tela" turo niya dun sa kapirasong tela g damit na nakasabit sa likod ng inuupuan ko. Kinuha ko naman ito at iniabot sakanya.

"Anong gagawin mo dyan?" 

"Protective shield~~!!" nilagay niya yung tela na yun sa kaliwang braso niya sabay kuha dun sa luwag. "Para di ako matamaan" binuksan niya yung takip ng pinagpiprituhan niya at nilagay dun yung hawak niyang luwag. Ginawa niya ding shield sa mukha niya yung takip ng kalaha.

=_________________________= 

"Ewan ko sayo" umalis na ako dun sa kusina kasi para namang eng eng yung isang yun. Natatakot sa putok ng oil eh di naman yun puputok kung hihinaan niya yung apoy. Keso, mahina matagal daw maluto so lalakasan nalang daw niya. San ba utak ng babaeng yun??!!

"Domo yung Cr aaahh!!" rinig kung sigaw niya dun sa kusina. May lilinisin pa nga pala ako. Tsk. =____= Sabado ngayon kaya sana naman wag kaming mag General Cleaning ngayon kasi sobrang nakakapagod yun. Pero sa Cr lang din naman ako naglilinis, si Ate Dime lang yung madalas tumutulong kay Mama, no choice siya eh, siya daw yung matandang babae so dapat marunong siyang maglinis ng bahay. Pero kahit na ganun, nakakapagod pa rin yung trabaho ko nuh? =____=

Love BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon