Sheeyah Monteverde's POV...
Nakatayo ako ngayon sa terrace tinitignan ang mga anak kong naglalaro kasama ang yaya nila. Masaya silang nagtatakbuhan at naglalaro.
Sana ganito na lang palagi, sana hindi isang araw hindi nila hanapin ang pagkatao nila. Ayokong mawala sila.
Ako nga pala si Sheeyah Joy Monteverde. 22yo. Single mom, may dalawang anak. Sa totoo lang kambal ko sila. :) At sila ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Sila ay sina Xianeerah Joyce at Leender Jao Monteverde. 6yo sila.
Oo na, sasabihin niyo malandi ako? Tanga, disgrasyada? Okay lang. Kung hindi din naman dahil dun hindi ko iluluwal abg dalawang cute na anghel na nakikita kong naglalaro ngayon kasama ang kanilang yaya.
"Ano nanaman ang iniisip mo?" Alexander.
"Ha?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Alecx pala. "Wala naman. Anong ginagawa mo dito? I thought nasa States kapa?"
"Tss! Hindi manlang ako sinabihan ng welcome back, Alecx! Yan talaga binungat mo sa akin a!" May pagtatampo sa boses niya.
"Tse! So ano ngang sadya ko dito? Dapat nagpapahinga ka muna sa bahay mo. Kagagaling mo lang sa biyahe." Sabi ko sa kanya.
"Masama na bang dalawin ko ang mga kambal?" Pagtataray pa niya.
"Papaaaaaaaaa!" - Leender. Nagpakarga kay Alexander.
"Speaking of the twins.. " Sabi ko.
"Leender, bumaba ka nga diyan!" - Xianeerah.
"Inggit ka lang kasi Xianeerah. Kasi ako nauna kay Papa." - Leender
Nagpout naman si Xianeerah. "Dapat ako na ang kakargahin ni Papa kasi nung bago siya umalis ikaw kinarga niya eh" Halos mangiyak na ang babae kong kambal.
"Kahit dalawa pa kayo eh" kinarga na din ni Alexander si Xianeerah. Napangiti naman ito.
"Alecx! Ibaba mo na ang mga bata. Kids, let Papa Alecx rest first." Sabi ko sa kanilang tatlo.
"Pero mommy ..." nagpout naman ang lalaki kong anak.
"Leender .. " nagtaas na ako ng kilay.
"Opo mommy." Bumaba na siya, kasabay ng kakambal niyang babae.
"Susunod naman pala kay Mommy eh" sabi ko naman.
"Naglalambing lang yung mga bata, pinagbabawalan mo na" Si Alecx talaga. -_-'
"Hoy! Kaya nagiging matigas minsan ulo ng mga yan kasi iniispoiled ko eh!" Ansarap manermon talaga.
"Pa! Where's our pasalubong?" Sabi ni Xianeerah.
"Xianeerah!" Naku. Kung hindi ko lang mahal tong mga anak ko eh.
"What mom?" She nodded.
"Pasalubong? Haluh. Nakalimutan ko!" Pagiisip ni Alecx. Bigla na lang nalungkot yung kambal ko. Si Alecx talaga. Ginugoodtime nanaman ang mga bata. :D
"Okay lang, Pa. Tara na Xianeerah laro na tayo ule." Magwawalk out na sana ang ank kong lalaki.
"Sus! Tampo ka na agad? Of course hindi ko makakalimutan ang mga mahal kong kambal" panunuyo ni Alecx kay Leender. "Go to my car kids your pasalubong is there. Here's my key. Yaya samahan mo sila sa sasakyan muna" Dugtong pa ni Alecx.
HAPPY READING! :)