Raven Serdoncillo's POV ...
@Serdoncillo's residenceHi, there! I'm Raven Rivera-Serdoncillo. Half Chinese, Half Filipino and Pure BITCH! Jokijoki lang.
Napakilala naman na ako ni Sheeyah, right? Konti nga lang na info :D
Well, ako na magsasabi sa inyo MAGANDA AKO! ^^. Walang papalag dahil baka masampal kita.
Highschool pa lang magkakilala ma kame ni Sheeyah. 3rd year kami nun. Sheeyah is deadly hot gourgeous when she was in highschool. Alam ng lahat ng nagaaral yan sa school namin.
Half Spanish, Half Filipino naman siya. Pure BITCH! Nakilala ko siya kasi classmate kami. Tumitingin ako sa kanya ng masama kasi feeling ko ang landi niyang babae. Which is true. Paiba-iba daw yang ng lalaking nakakasama sa campus.
But wala ng lagpas pa dun sa kiss, hug & holding hands. Pano ko nakilala pang mabuti yun? Nagkasama kami sa isang group activity, nagkasukatan ng kamalditahan sa katawan. After that? Tumawa kami at naging welcome ako sa grupo niya.
Yes! Wala namang pangalan ang grupo nila pero kilala yun dahil silang tatlo ang maganda at bitch na kinakatakutan sa school.
Sa paglipas ng mga buwan nagkaroon kami ng barkada sa room. Kasama sa kalokohan, sa saya at problema. Well, hindi namin iniisip masyado ang problema pero andyan kami palagi para sa isa't-isa.
Anyway, let's go back to reality na kasi. Kasalukuyan po akong naghahanda ng kakainin namin hanggang mamayang gabi. Well, it's a non-stop party I think. Lahat ng barkada ay Party Goer. Kaya masaya to ' . Excited na nga ako eh.
Gagawa ako ng Grahams muna, pangdesert mamaya. Kailangan ko na palang bumili din ng mga iinumin namin mamaya.
Tss! Papautos ko na lang kay Christian. Hindi naman puwedeng ako lang kumilos dito.
Dial 'Baet'log Xtian' ...
Hahaha. Ancute ng pangalan niya sa contacts ko noh? ^^.
Barkada din namin siya at long-time boyfriend ko.
Waiting for answering ...
[Hello] Sabi niya sa kabilang linya.
"Hiiii, baeee! " bungad ko sa kanya.
[Energetic? Anong nakaen? ] patawa niyang saad.
"Wala naman" sabi ko sa kanya.
[So, bat ka napatawag?] Pagtatanong niya.
"Kase walang bibili ng .." napahinto ako sa sinasabi ko.
*ding dong! Ding dong!*
May nagdodoorbell.
[Wait lang bae a? May tao sa labas titignan ko lang] hindi ko na inantay na magsalita si Christian.
Dali-dali akong tumakbo ng gate baka kasi isa sa nga barkada ko, at least may katulong ako sa pagpeprepare.
Pagkabukas ko ng gate .. reaction ko →→→ O.o
Anak ng! ... Why he's here?
"Xtian, I'll call you again okay? May aasikasuhin lang ako" nakatingin pa din ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
[Wait, sino yung tao .. ] I hanged up the phone. Hindi pa din ako makapaniwalang nagbalik na siya. Laglag ang panga ko ng makita ko siya uli.
"Can I come in?" Sabi niya sa akin na walang bakas ng ekspresyon sa mukha.
"Ha .. ah .. Sure.. " nabalik ako sa realidad nung nagsalita siya. Dumiretso lang siya hanggang loob ng bahay ko. Sinundan ko lang siya. "Have a sit, Max" mahinang ko sabi.
Umupo siya at nilibot ang tingin sa buong bahay. "Nothing's change huh? Tama lang pala na dito ako pumunta at nandito ka pa" saad niya.
Nanginginig ang buong katawan ko, halos mapako na ako sa kinatatayuan ko. Hindi puwedeng bumalik nanaman siya para guluhin si Sheeyah.
Nanginginig ako hindi dahil sa takot ako, nanginginig ako sa galit at gusto ko siyang sampalin sa pangi
iwan kay Sheeyah. Katingkati akong sampalin siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa magawa. Naiinis ako sa kanya! Dahil sa kanya naging miserable ang buhay ni Sheeyah, nahirapan siyang ibangon ang sarili niya.Nang mabalitaan buntis si Sheeyah ng mga magulang niya, pinalayas siya. Hindi alam ni Sheeyah saan lalapit at hihingi ng tulong nun. Binalak niya ding magpalaglag na lang.
Mabuti na nga lang at pinatawad siya ng mga magulang niya.
"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya.
"Si Sheeyah ... " -Max
"Wala si Sheeyah dito, umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin, Max. Tapos na yung mga panahong tinulungan kita kay Sheeyah para suyuin siya, tapos na yung panahon na masaya akong nakikita kayo ni Sheeyah na hindi miserable ang kilos." Madiin kong saad sa kanya.
Grabe! Wala pa siyang sinasabi, pangalan pa lamg nabanggit niya napapaspeech na ako.
Naging mabaet si Max sa barkada namin, ganun din kami sa kanya. Minsan tinutulungan pa namin siya para lang suyuin si Sheeyah. Masaya sila noon, minsan nagaaway.
"Look.. andito ako para humingi ng tawad sa nagawa ko" ramdam kong seryoso siya sa paghingi niya ng tawad, nakayuko lang siya na tama lang para makita ang mukha niya. "Nagsisisi ako, Ven [RaVEN] maling-mali nung iniwan ko siya. " He added.
"Huwag kang magsorry sa akin, Max. Kay Sheeyah. " sabi ko sa kanya.
"Sabihin mo sa akin? Sino ang ama ng kambal ni Sheeyah? Si Alecx ba?" Nakita kong nakakuyom ang palad niya ay parang anytime magwawala siya dito sa bahay.
Galit na galit siya, malamang kay Alecx. "Hindi ako ang magsasabi sayo niyan, Max. Kundi si Sheeyah." Nakayuko kong sabi sa kanya.
"Do me a favor Ven? I want to talk to her" malungkot ang mukha niya.
Hindi ako nagsalita, tahimik lang ako. Galit ako sa kanya pero parang gusto kong magkausap muna sila.
Kung gagawin ko naman to, para sa mga inaanak ko. Wala silang tatay, alam kong si Alecx ang tinuturing nila pero iba pa din kapag alam nila ang tunay nilang ama. Papayag ba ako? Hindi ko alam.