Alecx's POV ...
Buwisit talaga yung hayop na yun! Wala naman palang magandang sasabihin sa akin, pumunta pa. Nyeta!
Napurnada tuloy ang lakad namin nila Sheeyah at ng mga bata.
Dadaan muna ako sa bahay ni Sheeyah. Nagtatampo pa sa akin yung kambal.
Dumaan muna ako ng convenience store para bumili ng Nutella at StikO. Favorite kasi nila yun.
Bumili na din ako ng ice cream para sa aming apat. Hayss! Ayokong nagtatampo sa akin ang mga yun.
@Sheyaah's Residence ...
"Hey, good evening guys!" Bungad ko pa lang sa may pinto.
Nakikita kong nanunuod ng cartoons sa tv ang mga bata. Pero tinignan lang nila ako at ibinalik uli ang tingin sa may tv. Ayh, snob? So famous ndn tong mga to kagaya ng nanay nila when she was a teenager, ganun ampeg?!
"Why my babies snobbing my presence here?" Lumapit ako sa kanilang dalawa na wala pdng imik.
Grabe talaga sila magtampo, pahirapan magsuyo. -_-'
"I brought you pasalubong" I smiled. Kaya lang waepek ang kaguwapuhan ko sa dalawang to eh.
"Xianeerah, I ... " - Xianeerah.
"Don't talk to me, Pa. I'm busy watching my favorite cartoon" walang ganang sabi ni Xianeerah sakin habang nakabaling ang tingin sa harap ng tv.
"Leen ... " - Leender.
Mga walang manners tong mga bata na to '. Hindi manlang ako pinapatapos magsalita.
"Same as with Ate Xian " walang ring buhay na saad nito.
"Look .. " anak ng! Kanina ko pa hindi natatapos yung sasabihin ko.
"Oh! You're here. Tara dinner na lang muna tayo. Kids, patayin niyo muna yung tv" agad namang sumunod ang dalawa pati na din ako.
"Sheeyah, anong klaseng ina ka?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Maganda pa din, hot, walang kupas kaya lang may mga anak na " masiglang sabi nito.
"Tss .. fine!" He rolled his eyes. "What I mean is hindi mo tinuturuan ng Good Manners and Right Conduct ang mga bata" paninimula niya.
"Aba, hoy! GMRC pa ampeg mo?" She smirked. "FYI, may mga manners yan na tama sadyang nagtatampo lang sila sayo" panunuro niya sa akin.
Naglalakad pdn kami papunta ng dining table.
"Tara na nga, mamaya ko na sila susuyuin. " sabi ko sa kanya. Hindi naman na siya nagsalita.
Natapos ang dinner at wala kaming imikan ng mga bata. Ayh, this is it pansit! :D
"Kids, sorry na" malambing ko sabi sa kanila. Pero hindi pa din sila nagsasalita. "Babawi si Papa nextime may inasikaso lang si Papa. Promise, maglalaro uli tayo at magbobonding kapag may time na si Papa. Look oh .. bumili ako ng Nutella at StikO para sa inyo. Sayang naman to kapag tinapon lang at di nyo tatanggapin. "
Napatingin si Xianeerah sa akin. Tumayo ito, humarap sa akin pero seryoso pa din. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. "Fine! Apology accepted"
Natuwa naman siya. Kahit minsan mahirap silang suyuin lalo na si Xianeerah hindi ako matitiis niyan.
"Sige na nga din po, Pinapatawad ko ndn po kayo" Leender pout. How cute? Ganitong-ganito si Sheeyah.
"Thanks kids. Can Papa hug both of you?" Masaya kong sabi.
No words came out from them mouth pero agad nila akong niyakap. "Here, get your pasalubong" sabi ko.
"How sweet?" Bumaba si Sheeyah mula sa hagdan. She crossed her arms and smile.
"Oh .. tara! Bago ako umalis kain muna tayo ng ice cream para sa atin" Pinakita ko kay Sheeyah ang dala ko.
Natapos kamimg manuod ng tv at kailangan ko ng umalis at may pasok pa ako.
Kahit gusto kong dito na lang matulog, syempre hindi pa din puwede. Nakakahiya naman kay Sheeyah at magiging abusado ako. XD
Saka dun na lang ako sa may condo ko.
Sheeyah's POV ...
*rrrrring rrriiiing* (phone rings)
Weekends ngayon at dahil sa weekends tanghali na kami bumabangon ng mga anak ko sa higaan. Hindi naman ganun na tanghali talaga. Mga 9am , ganun.
Gusto kasi ng mga bata magpuyat kapag weekends na at anong oras na nagigising.
Nagising ako sa cellphone ko na nagwawala sa side table ng kama ko. Si Raven tumatawag.
Ano nanaman bang kailangan nito? Sobrang aga pa.
"Hello" papungaspungas pa ako habang nagsasalita.
[Hey, biiiiiitch!] Pasigaw na sabi ni Raven.
"Fck! Don't shout, Ven" Abnormal to! Kagigising ko lang at nagising ang diwa ko sa sigaw niya sa kabilang linya.
[Sorry, I just missed you. Hindi ka na dumadalaw dito sa bahay at hindi mo na dinadala ang mga inaanak ko dito] sabi niya sa akin na may halong pagtatampo.
Siya si Raven Serdoncillo. My highschool friend, hindi lang yun ang turing ko sa kanya. She's also my bitchfriend. :) Well madami kami, barkada nung highschool. Hindi naman nawala yun nung nagCollege kami.
Ako unang nagkaanak sa aming magbabarkada pero sinuportahan nila ako.
"Sorry, busy lang" saad ko.
Wala pang anak yan kaya puro sarap lang ang alam niyan sa buhay.
Simula nung nakagraduate kami hindi na kami madalas magsama-sama.
[By the way highway bitch] maarte niya pdng pagkakasabi. Bitch talaga tawag niyan sa akin dahil sa ugali at kamalditahan ko dati when we was in highschool.
"Stop calling me bitch, Ven" natatawa kong sabi sabi kanya. Nagbago na ako. I change a lot forcmy kids.
[Hahaha. Funny, Sheeyah. Osge na nga. To make this conversation short, I just want you to know na may gimik ang barkada. Lahat sila pupunta at pupunta ka. Malamang hindi tayo kumpleto kung wala ka] sabi niya. Nagtataray pa siya.
"Hmm.... " nagiisip ako. Okay lang naman kasi andito naman ang yaya ng mga bata.
[Don't dare na huwag kang sumama at kakaladkarin kita palabas ng bahay niyo para lang mapapayag kitang makasama sa gimik na minsan lang mangyari uli sa atin] pinagbantaan niya na po ako.
"Kasee .. ano eh .. " wala naman talaga akong gagawin. At sasama talaga ako. Inaasar ko lang siya.
[Hindi valid lahat na rason mo Sheeyah Joy Monteverde kahit ano pa yan. Bukas na yung get together natin. Hope you'll come at baka makaladkad kita. Dito tayo sa bahay ko. 5pm bukas. See yah, Sheeyah! Bye. Make yourself beautiful tomorrow. Nagmumuka kng manang ] Then she ended the call at hindi manlang ako pinagsalita.
Natawa na lang ako. Namiss ko sila at pupunta ako. Minsan lang naman eh.