Sheeyah's POV...
Nakita ko siya, nakita ko ang lalaking kinatatakutan kong makita. Anong gagawin ko?! Bakit kailangan magkita pa kami? Tahimik na ang buhay ko kasama ang mga anak ko.
"Mommy, bakit kanina pa po kayo palakad-lakad? Ako kaya nahihilo sa ginagawa niyo" pagrereklamo mo ng anak kong babae.
Sira din to e! "Bakit mo kasi tinitignan si Mommy habang naglalakad?" Tinarayan ko siya.
"Eh gusto ko eh" tinarayan din ako. Aba! Marunong talaga, biruan lang namin yang ng anak ko. Mataray kasi eh, dinadaig pa ako niyan.
"Si Leender, nasaan?" Pagtatanong ko kay Xianeerah.
"Nasa taas po nilalaro yung toy na binili sa kanya nung manong." Sabi niya.
"Dun ka na muna sa taas, anak okay? Bantayan mo na din si Leender. May ginagawa pa yung yaya niyo eh.
"Osge po." Tipid na sagot niya.
Natataranta pa din ako. Kailangan ko ng magingat ng mabuti, kailangan hindi niya ako mahanap. Kailangan hindi niya kami mahanap.
"Sheeyah ... " natigil ang pagiisip ko nang may tumawag sa pangalan ko.
"Uhm.. Alecx, andito ka pala" walang gana na sabi ko.
"Bakit parang natatakot ka? May nangyari ba? Pagtatanong niya.
"Ha? Hindi naman ah. Saka ano naman katatakutan ko? " sabi ko sa kanya.
"Ano nga ba dapat?" Nakataas na yung isang kilay niya. "Kilala kita Sheeyah kapag may tinatago ka.
"Ano kase .. ano .. " nahihirapan ako. Gusto kong umiyak.
"Ano, sheeyah? Tell me. Nagaalala ako" sabi niya.
"Alecx, ayokong mawala sila. Alecx, baka kunin niya sa akin ang mga anak ko. Al -- ecx.. Huhuhu .." tuluyan ng bumagsak ang luha ko.
6 years ako naging matatag para sa mga anak ko, anim na taon kong tinago ang mga anak ko pero sa isang iglap napalitan na lahat yun ng takot.
"Al -- ecx .." napasapo ako sa tuhod ko na parang bata na takot na takot.
"Shhh.... don't cry. Alam ko na agad na nagkita na kayo. Yun lang naman ang kinatatakot mo eh. Ang magkita kayo uli." Alam kong nagaalala siya.
Alexander Jao Carlos's POV ...
Takot na takot si Sheeyah. Takot na takot ang taong mahal ko.
Sheeyah, bakit hindi na lang kasi ako ang minahal mo uli?
Ayokong nasasaktan ka. Masakit sa akin yun, nadudurog yung puso ko.
Gagawin ko lahat mailayo ka lang sa kanya.
"Huwag ka ng umiyak. Andito lang ako palagi para sayo" ansakit na nakikita siyang ganyan "Huwag ka ng umiyak please?"
"Hindi ko hahayaang kunin niya sa akin ang mga anak ko" bakas sa mukha niya ang palaban.
Sa paglipas ng panahon nagiba siya. Dahil yun sa mga anak niya.
Tutulungan ko siya. Hindi ko siya iiwan. Mahal na mahal ko si Sheeyah.
Sheeyah's POV ...
(School)Isa akong teacher sa isang public school. Maniwala man kayo o sa hindi? Nakakaya kong buhayan ang mga anak ko sa pagtuturo lang.
Pagkapanganak ko sa dalawa kong anak, pinagpatuloy ko ang pagaaral ko.
Natapos ko naman. Salamat sa mga magulang ko. Sila ang nagalaga sa nga anak ko habang pumapasok ako.
*rrriiiiiingg* (bell)
"Okay class dismissed" uwian na ng mga estudyante.
Pumunta agad ako ng faculty room. Magliligpit na ako ng mga gamit para makauwi na.
"Sheeyah, uwi ka na?" Tanong ni Maryann. Isa siya sa mga co-teachers ko.
"Oo eh, bakit? Sabi ko.
"Mamaya ka na umuwi. Birthday ni Sir Vin. Treat niya daw, bar tayo?" Nakangisi niya pang sabi. Excited to! -_-'
"Inaantay na kasi ako ng mga anak ko eh, baka hanapin ako" oo nga. Tama naman sinabi ko diba?
"Sus! Hindi yan, saka ngayon ka lang naman uli lalabas eh. Paminsan-minsan magenjoy ka din. Alam mo bang ikaw ang pinakahot na teacher dito? Ikaw kasi ang pinakabata. At balita ko pa a! Crush ka ni Sir Vin. Siya pa nga nagsabi sa akin na pilitin kitang sumama eh" mahabang litanya niya.
"Ikaw talaga! Hindi na ako pdeng lumande nu, dalawa na anak ko. Uhm, sge sasama ako. May tatawagan lang ako" patawa kong sabi sa kanya.
"Hahaha. Bilisan mo a! Dun muna ako" sabi pa ni Maryann.
"Sige." Tatawagan ko muna si Yaya para alam niyang wala pa ako sa bahay at gagabihin ako.
HAPPY READING! :)