Maxwell's POV...
"3,500 po lahat, Sir!" Sabi nung babae sa counter.
"Here" inabot ko yung bayad sa kanya.
"Ancute naman po ng anak niyo l, Sir. Mini version niyo ho" sabi nung babae sa counter.
"Ayh, hindi ko naman anak yan miss. " sabi ko sa kanya.
"Ganun po ba? Akala ko po anak niyo kasi kamukha niyo eh" I just smiled.
"Why they're staring us?" Pagtatanong ni Leender.
"Don't mind them. " sabi ko sa kanya. "Let's find your mom and your sister."
"Sige po." Sabi niya.
Naglalakad na kami nang may batang babae na lumapit sa amin.
"Leender! Saan ka ba pumunta? Nagaalala si Mommy sayo." Galit na galit yung batang babae na kamukhang-kamukha niya.
"Kasi may nakita akong magandang toy dun kaya naaliw ako. Tapos nawala na ako. Buti na lang tinulungan ako ni Sir Maxwell" sabi niya.
"Diba sabi ni Mommy bawal daw tayo makipagusap sa hindi natin kilala, hindi ka talaga nakikinig. Ang tigas ng ulo mo talaga eh. Paano kapag nawala ka talaga?" She crossed her arms. Bossy siya tignan, matured magisip. Ang cute nila tignan.
"Ehem! Hey, little girl. Hindi naman ako masamang tao eh" Napangiti ako. Ang gaan ng ko sa dalawang kambal na nasa harap ko.
"Sorry po, bawal po talaga kaming makipagusap sa hindi namin kilala" sabi nun batang babae.
"Okay lang." I smile.
"Salamat po sa tulong, Sir" yumakap si Leender sa akin. Nakakatuwa lang kasi answeet niya.
"Tara na, Leender. Inaantay na tayo ni Mommy. Alis na po kami. Thank you po uli." Sabi nung batang babae.
"Wait. What's your name?" Tanong ko sa batang babae.
"Xianeerah po" sabi niya ng pataray.
"Hatid ko na kayo sa Mommy niyo? " Gusto ko lang makita ang mommy nila. Sigurado maganda din. Ancute ng kambal niya eh.
"Hindi na ... " hindi na natuloy ni Xianeerah yung sasabihin niya dahil may biglang ...
"Xianeerah, Leender! Andito lang pala
kayo. Jusko! Leender, saan ka nanaman ba nagsusuot kang bata ka? Nagalala ako sayo. Antigas ng ulo mo."Alam ko kung kanino yung boses na yun. Yun ang boses na hindi ko makakalimutan.
"Mommy, sayo kaya nagmana yan. Matigas din kaya ulo mo." Umirap yung batang babae.
"Tse! Ikaw talaga, anak. Okay ka lang ba Leender?" Sabi niya.
"Opo, tinulungan niya ako." Nakatalikod siya sa akin. Kaya hindi niya ako nakikita.
Tumayo siya "Sir, maraming sal .. " huminto siya sa pagsasalita.
Sheeyah's POV...
Nahinto ang mundo ko nang makita ko ang mukha niya. Wala pa din siyang pinagbago.