5

107 5 2
                                    

Sasha's POV


Lumipas ang ang tatlong araw at ngayon ang unang araw ng pasok ko sa Kingston College of Music. Nag aabang na ko ngayon ng bus.



"Geez, ba't ba ang tagal dumating ngayon ng bus?! Kailan nagmamadali ako." iritableng bulong ko.



Nalate kasi ako ng gising. Buti na nga lang ay ginising ako ni Lolo. Masyado akong napuyat kakanood ng Kirarin Revolution. Gwapo kasi nina Kaito at Seiji. Ang galing-galing pang kumanta. Kaya tinapos ko buong magdamag ung kalahati ng episode. Kasalanan nila 'to eh. Haha. Mamaya ko na lang itutuloy pag uwi. ^_^



Nang dumating ung bus ay agad-agad akong nakipagsiksikan. Masyadong maraming pasahero ngayon dahil lahat ng eskwelahan na ngayon ay may pasok na. Idagdag pa ung mga papasok din sa opisina.



"Excuse me po.." magalang na sabi ko habang hirap na hirap akong makapasok ng tuluyan ng bus.



Ilang minuto din ang pagbabyahe. At limang minuto na lang din ay maguumpisa na ang unang subject ko. Omyghaad! Nagmadali akong nagtungo sa KCOM. Padating na rin ung mga istudyante. Walang uniform pala itong KCOM kaya pwede naming isuot ang kahit anong gusto namin. Mukhang maayos naman itong napasukan namin ni Cecille.



Wala na kong oras para magmasid dahil dalawang minuto na lamang ay maguumpisa na ang klase ko.



Napilitan na kong tumakbo. I don't care kung mapawisan ako. The important is kailangan kong makaabot. Geez, unang araw late pa ata ako.



"Miss Cruz?"



"Present!"



"Miss Dela Vega?"



"Present po Sir."



"Miss Miyoshi?"




"Present Sir." masaya kong sabi habang nakataas pa ang kamay parang manunumpa. Whoo! Muntik na ko dun ah. Akala ko late na talaga ako. Buti na lang di napansin ni Sir na pumasok ako.



"Mister Lee?"



"Present Sir."



"Mister Matsuki?"



"Mister Matsuki?"

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon