2

213 7 3
                                    

Sasha's POV


"Don't tell me.. sinusundan mo ko?"


"What? Me?"


Tinuro nya sa sarili nya. Psh! Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking 'to. Siningkitan ko siya ng mata. Wala akong paki kahit wala na kong mata.


"Psh! Di ba obvious? Syempre ikaw. Ikaw lang naman ang kausap ko." napairap ako. Nagkibit-balikat lang siya. Argh! He is going into my nerves.


Sa inis ko ay lumabas na ko ng shop. Aantayin ko na lang dito si Cecille. Masyadong nakakaimbyerna ang taong yun. Kala mo naman kung sinong gwapo.


"Aish! Kala mo gwapo ka? Napakapangit mo noh!" pinagpapadyak ko ang mga paa ko. Natigilan lang ako ng mapansin ko na pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan. Geez, nakakahiya ka Sasha! >_<


Asan na ba kasi si Cecille?! Ba't ba ang tagal naman nun?


Beep.. Beep..


Baka siya na 'to. Agad kong kinuha sa bag yung cellphone ko at tiningnan kung sino ang nagtext. Si Lolo? Bakit kaya?


"Sasha, umuwi ka na ngayon at dalhan mo ko ng paborito ko."


Tinatamad na naman siguro si Lolo lumabas. Sabagay hapon na pala. Mainit sa labas at di nya na masyado kayang maglakad-lakad. Tinext ko na lang si Cecille na mauuna na kong umuwi dahil pinapauwi na ko ni Lolo pero ang bruha di man lang nagreply. Bahala nga siya.


Nagtungo na ko sa bus stop at naghihintay nang darating na isa pang bus. Di kasi ako nakaabot kanina sa bus kaya ayun.. at kailangan kong maghintay. Maya-maya lang ay dumating na rin ang bus. Tumayo na ko at nakipila para makapasok. Sa di sinasadya ay bigla akong natabig ng babaeng nasa kanan ko. Akala ko ay malalaglag na ko pero naramdaman kong may sumalo mula sa likod ko.


"Miss, okay ka lang?"


Dahan-dahan nya akong tinayo. "A-ah oo. Salamat."


Agad na kong pumasok sa loob ng bus. Kasunod ko naman siya. Dahil huli na kaming nakapasok saktong may bakante pa naman sa likod ay magkatabi kaming nakaupo.


Habang nagbabyahe ay di ko maiwasan na mailang dito sa katabi ko. Parang ewan kasi.. nakikita ko sa peripheral vision ko natinititigan nya ko. Kaya nung one time na tiningnan ko siya ngumiti sakin at binaling sa harap ang tingin. Ghad! Weird. Pero infairness.. ang gwapo nya. Haha. Ay! Umayos ka nga Sasha. Para kang baliw na kinikilig.


"Miss.."


"Ha?" agad akong lumingon sakanya. Shet. Ang gwapo nya pala sa malapitan.


"May dumi ba sa mukha ko?"


"Ha?"

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon