7

98 5 2
                                    


Sasha's POV


Pansin ko lang, mukhang mas focus sila about sa mga musics. Pangalan pa nga lang ng university na ito may music na eh. Nagtaka pa ko. Haha. Pero mas ayos 'to. Atleast, maabot ko na ung mga pangarap ko. ^_^



Andito ako ngayon sa library. Kailangan ko pang mag research about sa mga classical musics ng mabuti. Konti lang kasi ang alam kong tugtugin eh. Actually, violin nga lang alam kong tugtugin. Pinapili kasi kami kanina kung san department ang gusto namin. So, I choose classical musics deparment. Di naman sa ayoko ng modern musics, pero kasi parang ewan ung mga tinutugtog nila. Mas nauna pa nga nadiskubre etong classical musics kaysa dyan sa modern musics. Psh!



Naghanap na ko ng mauupuan. Grabe, madami din pala ng lilibrary na istudyante sa panahon ngayon. Akala ko magsisigala 'tong mga istudyante sa KCOM kapag vacant nila eh. Katulad ng ibang university. Pero, mukhang exclusive nga 'tong napasukan namin ni Ce.



Dahan-dahan kong inilapag ung ilang libro na about sa classical musics. Buti na lang nakahanap ako ng bakanteng upuan. Habang inaayos ko ung mga libro na babasahin ko ay napansin kong may natutulog pala dito sa harap ko. Oh well, I don't care about him. Nagkibit-balikat lang ako atsaka nagumpisa na magbasa.



Ilang minuto lang ang nakalipas ay may biglang sumulpot dito sa table na isang basket na puno ng chocolates. Sinundan ko naman ng tingin kung sino yun. She looks familiar. Nagsusulat siya sa sticky notes.



Omg! Siya ung babae nakita ko kahapon. Don't tell me.. e'tong kaharap kong lalaki ay siya 'to?! Yung mayabang at makapal ang mukha. Mukhang nagising na 'tong kaharap ko at napatingin siya dun sa basket kasunod naman ay dumako ang tingin nya sa babae. Ngumiti ung babae. Grr, mukhang nanonood na naman ako ng sine ah.



"Hi." sabi nung babae at ngumiti muli.



"Ano 'to?" halatang bagong gising siya dahil sa boses nya at sa gulo-gulong buhok nya. Geez, wag mo ngang tignan yan Sasha! Ba't mas lalo siyang gumwapo? Erase! Erase! Bwiset. Makaconcentrate na nga lang dito.



"Peace offering? A-ahm, Sean sorry about what happened yesterday." dinig kong sabi nung babae. Nakatingin lang siya dun babae.



"Forget about it. Pwede ka nang umalis." bored na sagot nya. Grabe ah. Parang nagtaboy lang ng aso. Psh! Nagwalkout naman ung babae. Siguro nasaktan na naman siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng library.



Nagulat naman ako ng bigla wala na sa harap ko ung lalaking yun. At iniwan nya pa ung binigay nung babae. Sayang naman. Mukhang masarap pa 'tong mga chocolates, mukhang imported.



"Hey." bulong ko. Dahil nasa loob kami ng library.

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon