12

55 2 2
                                    

Sean's POV


"Gusto mo ng pustahan?"



Matagal din kaming nagkatitigan. Tsk. Mukhang ayaw nya ah? Ngumiti siya pero alam kong pang asar yun.



"Hinahamon mo ba ko?" mataray nyang tanong. Ngumisi ako.



"Bakit natatakot ka?"



She rolled her eyes. Tsk. Pansin ko lang, di kaya sumasakit yung mata nya sa ginagawa nya? Ikauunlad ba nya yung ginagawa nya? Baka maduling pa 'to eh. Oh, well. Wala kong paki.



"Puro ka satsat. Bat di natin gawin."



"Tsk. Okay. Di kita uurungan." seryosong sabi ko. Tinaasan na naman nya ako ng kilay.



"Kapag ako ang nanalo. Magiging slave kita ng isang buwan."



"Call." agad kong sabi. "Pero kapag ako ang nanalo ikaw ang magiging slave ko."



"Gusto mong gawin mo pang dalawang buwan?"



Aba. Gusto ata ne'tong maging slave ko ng matagal ah. Tsk.



"Sige ba. Basta ba't wag kang uurong." inirapan na naman nya ako. Hobbit nya na yan ah.



"Ako pa? Psh. Maghanda ka at papahirapan kita."



Aba't. Ako dapat magsasabi nun ah. "Ako dapat magsabi nyan, ikaw yung dapat maghanda. Baka umuwi ka ng luhaan."



Sinamaan nya ako ng tingin. Pikon agad. Nagkibit-balikat lang ako at umalis na.



Napansin ko pa yung kaibigan nyang babae nung lumabas ako. Mukhang narinig nya lahat.



Dapat na kong mag punta sa modern department. Para masabihan na sila na may laban kami.



Sasha Brie Miyoshi. Maghanda ka at magiging slave kita ng dalawang buwan.



-


My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon