Sasha's POV
Nakakainis talaga sya! Akala mo naman kung sinong gwapo. Argh! Pero sabagay natalo nga naman ako sa pustahan namin hays. Ang malas ko ba talaga?
Lumong-lumo ako papasok sa starbucks eto ang unang araw ko sa pagiging slave. Psh.
"Good morning Maam. What's your order?" Ang cute naman ni ate may dimples pa. Ningitian ko sya.
"Isang Capuccino Miss."
"Anything else Maam?"
"No that's all."
Inabot ko na sa kanya yung 500. Buti na lang binigyan nya ko ng pambili. Aba wala sa usapan namin na sagot ko ang mga bawat iuutos nya noh. Kapal nya ingudngud ko sya sa kapeng ito e.
Naglalakad na ko papuntang KCOM malapit lang kasi walking distance. Buti na lang di masyadong mainit. Nakakaloka kaya maglakad ng mainit kasalanan nya to e. Maisipan din inumin e.
Papasok na ko sa modern music dept. ng bigla ako napahinto. Nakakapagtaka. Anong ginagawa nya dito?
Hindi muna ako agad pumasok at sumilip lang ng kaunti nakabukas pala ng kaunti yung pinto. Di ko naman intensyon na makinig ng may usapan. Kaya aalis na sana ako ng bigla ako marinig na sigaw.
"Bat mo ba to ginagawa Sean?" sa tono ng boses ni Prof Kelly ay naiinis sya?
Nakayuko lang si Sean. I smell something fishy. >_>
"Di pa ba obvious?" halos lumuwa ang aking mga mata ng hawakan ni Sean ang kamay ni Prof. Kelly. "Gusto kita."
Biglang umiba ang pakiramdam ko. Di ko alam kung bakit ako naiinis. Umalis na ko.
**
Biglang nag vibrate yung phone ko agad ko naman kinuha sa sling bag ko. Napairap ako ng makita ko ang pangalan nya. Anong problema na naman nya?
"Nasaan na yung inuutos ko?"
Psh. Di ba binigay nung kaibigan nya. Nakasalubong ko kaae palabas ng modern music dept kaya ipinaabot ko na lang.
"Nasa puso ko."
Send. Ha. Akala mo. Tingnan natin kung ano irereply mo natatawa ako na parang ewan tuloy agad din naman nag vibrate yung phone ko. Ohh.. tumatawag si panget. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba. Pero sige, baka sugurin ako neto.
"He--"
"Nasaan na yung inuutos ko?" tingnan mo to. Di man lang ako pinatapos argh.
"Nasa puso--"
"Sasha!"
Kaloka. Feeling ko umalog yung eardrums ko.
"Bat kelangan mo sumigaw?" umiinit na talaga dugo ko sknya ah.
"Umayos ka kinakausao ka ng maayos. Puro kabaliwan ang sinasagot mo. Tandaan mo slave kita ng tatlong buwan at lahat ng gusto ko susundin mo."
Kapag naiisip ko yon pinagsisihan ko talaga na nakipagpustahan pa ko. Hays.
**
Nag aabang ako ng bus pauwi. 5pm na. Sana hindi traffic pauwi gutom nako.
Bwiset kasing Sean yan wala daw syang natanggap na starbucks. Halos mapasabunot ako na kadadating lang daw ng kaibigan nya. Sakin pa nagalit yung panget na yon. Saktong pamasahe ko na lang kasi pauwi tong natira kaya wala na kong pambili ulit ng kape nya.
"Lo andito na po ako." pagkadating ko ay agad ako nag mano.
"Oh Brie, kain na."
"Sige po lo palit lang po ako."
Wow. Ang sarap naman ng ulam. Paborito ko pang adobo.
"Love na love nyo talaga ako lo. Okay kain na tayo!"
Umismid lang si lolo. "Sus kunyari pa to si lolo alam ko naman di ka showy e." sabay tawa ko pero sinamaan nya lang ako tingin.
Matapos kumain ay hinugasan ko na yung pinagkainan namin at pumunta na ko sa kwarto.
Magbabasa muna ako ng manga malapit ko na kasi matapos yung mga freebies na nakuha ko nung nagpunta kami ng convention ni Ce.
"Bat di pa sabihin ang hindi mo maamin.. Ipauubaya na lang ba to sa han--"
Nagmamadali akong kunin yung phone ko sa sling bag. Psh. Sino na naman ba tong tumatawag?
Nang makita ko na naman ang pangalan nya ay alam ko na naman may iiutos to. Psh.
"Oh?!"
"Galit ka?"
"Hehe hindi.. bakit ka po ba tumawag?" pasalamat ka nakakapagtimpi pa ko.
"Pumunta ka dito sa supermarket."
"Ano?! Wala na kong pamasahe." syempre aliby lang yon may pera pa naman ako kaso tinatamad na talaga ako lumabas 8pm na kaya.
"Mag taxi ka nalang babayaran ko naman" abat. Mag isip ka pa ng dahilan Brie.
"A-ah kasi.. walang kasama si lolo e. Bukas nalang." tama! Wala naman talagang kasama si lolo galing ko Brie!
"Tsk. Bye."
Ang bastos talaga oh! Binabaan ba naman ako ng telepono. -_-
Pero ayos na rin atleast napapayag ko sya. Muahaha.
Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko. Tatapusin ko to. Alright!
Kinabukasan..
Nagising ako sa sinag ng araw. Bayan. Di ko naman binubuksan yung kurtina ah. Bat ba ang liwanag?
"Brieee! Gumising kana! Male-late ka na!"
"Ang aga pa lo e." rinig kong sigaw ni Lolo. Nagtalukbong ako ng kumot. Inaantok pa kasi ako e. 2am na kasi ako natapos. Nanood pa kasi ako ng movie.
Blag..
O_O
"Gigising kaba o ililibing kita dyan?"
Agad naman akong bumangon at ningitian si Lolo.
"Eto na nga po Lo oh. Liligpitin ko lang po to."
"Pasaway ka talaga."
"Lo naman! Ang sakit po ah!"
Inis kong sabi pinalo ba naman ako ng pamaypay psh.Nag ayos na ko para pumasok. Maaga pa naman e. Di naman siguro ako--
"Omghad!"
7am pala klase ko. 6:45 na agad naman akong sumakay ng bus buti nalang nakahabol pa ko.
"Bat di pa sabihin ang hindi mo maamin.. Ipauubaya na lang ba--"
Shet naman oh. Nasan ka na bang phone ka?! Pinagtitinginan na tuloy ako nakakahiya. >_<
"Ganda ng ringtone nung girl."
"Haha oo nga e."
Bago ko sagutin ngumiti ako ng pilit don sa babaeng nakatingin sakin. Hays. Papalitan ko na nga tong ringtone ko.
--
Sorry guys ngayon lang ako nakapag update. Actually, minadali ko na yan. Huehue. Hope you enjoy. ^^

BINABASA MO ANG
My Destiny
RomansaIsang storya na tungkol sa isang babae na di naniniwala sa FOREVER at DESTINY. Bakit? Ating alamin kung anong dahilan ni Sasha Brie Miyoshi at kung bakit hindi siya naniniwala sa FOREVER at DESTINY. Copyright April 2015