3

158 5 3
                                    


Sasha's POV


Nagising ako sa sikat ng araw na nanggagaling mula sa bintana. Tiningnan ko ang wall clock na orasan na nasa harapan ko. It's already 7am in the morning.


Agad na kong bumangon at inaayos ang aking higaan. Nagpasya na din akong ipagluto na si Lolo ng almusal. Mukhang naglakad-lakad na naman siguro yun si Lolo. Kaya walang nakagising sa aking ng maaga. Nang magawa ko na ang mga morning rituals ko ay tska naman ako nagluto ng makakain namin.


Matapos kong makapaghain ng almusal ay sakto naman ang pagdating ni Lolo.


"Good morning Lolo! Tara kain na po tayo." magalang kong sabi pagkapasok nya dito sa kusina.


Tiningnan ng mabuti ni Lolo ang mga nakahain. Tila sinisipat nya ng mabuti ito. At kasabay nun ang paghila nya sa upuan upang umupo. "Ikaw ang nagluto?" tanong ni Lolo habang nakamasid pa rin sa mga nakahain. Konti lamang ang inihain ko. Sapat na pang dalawahan lamang.


"Opo Lo. Bakit nyo naman po natanong?" binigyan ko na siya ng plato.


"Himala ata." nagtataka nyang tanong sabay lapit sakin. "L-lo?" nagulat ako ng hipuin ni Lolo Jun ang noo ko.


"Wala ka namang lagnat."


Tumawa ako ng mahina at hinawakan ang kamay ni Lolo na nasa noo ko. "Lo, wala naman talaga akong lagnat. Naisipan ko lang po kayong ipagluto." masigla kong sabi. At nilagyan na siya ng kanin sa plato.


Tiningnan ako ni Lolo na parang di naniniwala sa sinabi ko. "Anong nakain mo Brie? Ha?"


"Haha. Wala nga po Lo. Sige na po, kumain na tayo."


"Hayy. Ewan ko sayong bata ka. Sana araw-araw kang ganito." iling-iling na birong sabi ni Lolo at kumain na rin.


Makalipas ng ilang minuto ay natapos na ring kaming kumain ni Lolo. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Ewan ko ba. Mukhang sinisipag ako ngayong araw. Haha.


Nagwawalis ako sa may bakuran ng bigla akong tawagin ni Lolo. Agad akong nagtungo sa sala kung nasaan si Lolo.


"Bakit po Lo?"


Naabutan kong nakikinig si Lolo ng tugtog noong mga kapanahunan nya pa. Si Lolo ay isa siyang lead vocalist noong mga kapanahunan nya. Parang si Papa. Siguro sakanya ng mana si Papa. Kung itatanong nyo kung bakit nakatira ako kay Lolo at hindi kay Papa dahil simula ng mawala si Mama ay dito na ko iniwan ni Papa. Di nya daw ako maalagaan dahil babalik siya muli sa Japan upang magtrabaho para sakin. Paminsan-minsan ay tinatawagan ako ni Papa upang kamustahin ako. Ang alam ko ay andito na siya sa Pinas. But, I don't even sure kung nakauwi na si Papa.


"Nakaenroll ka na ba? San mo balak mag enroll Brie?" diretsong tanong ni Lolo pagkaupo ko.


Umiling ako. "Not yet pa Lo. Pero, napagpasyahan kong sa university na pinapasukan po ni Cecille akong mageenroll. Ung pinapasukan po kasi ni Cecille na unversity ay puro musics po." paliwanag ko.

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon