10

65 6 7
                                    

Sasha's POV


Kanina pa ko naglalakad. Pakiramdam ko kanina pa din nasa likod ko e'tong lalaking 'to. Sinusundan ba nya ko? O baka naman may pupuntahan lang siya dito. Masyado naman akong assuming kung sinusundan nya nga ako.



Binilisan ko ang aking paglalakad dahil sobra na kong nasusuffocate dito. Ang init na nga dito sa Pinas mas lalo pang uminit dahil dito sa lalaking kasabay ko. Napakatahimik naman kasi. Tangi mga yapak lang namin ang maririnig. Wala kasi masyadong bata dito na naglalaro. Di naman kami masyadong mayaman at di rin kami masyadong mahirap kumbaga sakto lang.



Pakiramdam ko malayo-layo pa ang aking lalakarin. Aish! Ba't ba kasi sa dulo pa ang bahay namin? Ewan ko ba dito kay Lolo. Madami naman maganda dito sa bungad talagang sa dulo pa pumili.



Kung minamalas ka nga naman ay dahil sa mabilis akong maglakad bigla akong nadapa. Ba't ba ganito ba ang suot kong sapatos?! Bigay nga pala ito ni Ce. Ba't ba ang hilig nung babaeng yun sa mga sapatos na may heels. Ipupukpok ko talaga sakanya 'to pag nagkita kami eh.



Waaah! Mukhang nagasgasan pa ata yung tuhod ko. Nakadress kasi ako.



"Tsk. Ang lampa mo naman."



Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod upang tingnan yung sugat ko.



"Malayo sa bituka yan. Buti na lamang gasgas lang ang natamo mo." napatitig ako sakanya ng bigla naman siyang tumingin. Nagkatitigan kami. Pero agad din naman akong umiwas ng tingin dahil ang lapit masyado ng mukha namin sa isa't-isa.



"Kaya mo ba tumayo?" tumayo na siya.



"Oo kaya ko. Wag mo na ko tulungan." agad kong sagot.



"Wala naman akong sinabi na tutulungan kita. Tinanong ko lang kung kaya mong tumayo. Sabi mo naman kaya mo."



At naglakad na siyang paalis. Aish!! Nakakainis talaga siya. Napakasama ng ugali. Syempre nagpakipot lang ako sandali kasi ang akala ko tutulungan nya talaga ako. Pero wala eh, si Sean Matsuki yan. Wala kang aasahan.



Sinubkan kong tumayo pero pakiramdam kong parang di balensa yung suot kong sapatos. Tiningnan ko naman at mas lalo akong nainis sa nakita ko. Mukhang maglalakad pa ata akong nakayapak. Aish! Nakakainis naman oh! Tinanggal ko na yung sapatos ko at maguumpisa na sana maglakad ng bigla bumalik e'tong lalaking 'to. Tinaasan ko siya ng kilay pero di nya ako pinansin at bigla na lang siyang umupo patalikod sakin. Problema ne'to?



Napatitig lang ako sa likod nya ng bigla siyang magsalita.

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon