9

79 5 1
                                    

Sasha's POV


Nasa classical department kami ngayon at nagprapractice. Wala kaming subject dahil nalalapit na ang music event. Sa pagkakaalam ko isang malaking music event daw yung gaganapin. Gusto ko sana sumali kami. Kung magpapaaudition sila.



Sa bawat galaw ng aming mga kamay sa pyesa ng aming instrumento ay damang-dama namin ang napakaganda ng musika. Napakagaan sa pakiramdam. Sana ngayon pinapahalagan pa ng mga ibang kabataan ang ganitong musika. Ang iba kasi masyado na silang nahuhumaling sa mga iba't-ibang musika. Lalo na yung mga ibang kanta na katulad ng mga KPOP na di mo na maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi. Okay pa sana kung english o tagalog eh. Di naman sa ayaw ko sa mga ganyan. Masyado lang talaga sila nagfocus sa mga kantang yan. Sana malaman din nila na may mga ganitong musika pa rin.



Ilang oras din kami tumugtog ng iba't-ibang musika at nagpasya na kaming kumain. Actually, tapos na nga yung lunch eh. Kung di lang nagugutom si Cecille di pa siguro kami kakain. Haha. Gusto ko pa kasi tumugtog eh.



Bumili lang ako nang burger sa cafeteria. Sila Karen at Shiela naman pasta lang yun binili. Samantalang si Cecille ay parang nasa fiesta. Kung na lang pang sampung tao na yung binili nyang pagkain.



"Uy Ce, may kasama pa ba tayong kakain?" takang tanong ni Karen. Meron nga ba? Umiling siya. Habang tuloy-tuloy kumakain.



"Oh ba't ang dami mo namang inorder? Eh apat lang naman tayo." nakataas na kilay na tanong ni Shiela. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang kinakain ko yung burger.



Uminom muna siya ng juice bago mag salita. "Paki nyo ba? Eh sa gutom yung tao eh. Ilang oras din kaya tayo nagpractice." bulyaw nya samin at kinain naman ang pasta nya. Ngayon pasta naman? Haynako Ce.



Umiling-iling sina Karen at Shiela. Si Ce naman ay tapos nya na kainin yung pasta. Grabe nakatatlong plato na ito ah. Para tuloy kami na sa fiesta dahil sa mga pagkain ne'to ni Ce.



"You know what Ce, para kang yung guy dun sa right side." sabi ni Shiela. Napatingin naman kami. Wait, he looks familiar..



"Omg! Si Sheen!!"



Tili nya. Dahil medyo malapit kami sa kinaroroonan nya mukhang narinig siya nung Sheen ay napatingin sa pwesto namin na may kagat pang chicken. Tinuro nya yung sarili nya. At yung bruha natulala na ewan. Bumalik na sa pagkain yung Sheen.



"Kaloka ka friend ha." -Karen.



"Haha. Oo nga. Wagas kasi makatili. Infairness cute siya ha." sabay hagikgik ni Shiela. Sinamaan naman siya ng tingin ni Ce. "Hoy Shiela! Umayos ka. Nauna ako. Akin siya!"

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon