6

99 5 2
                                    

Sasha's POV


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nakatitig ako sakanya ng mabuti. Talagang sikat nga siya ah. Maganda nga ung boses nya nakakadagdag ng kanyang appeal at gwapo naman din siya.. psh! Pero wala din.. Ang sama naman kasi ng ugali.



Anong nagustuhan naman sakanya ng mga babaeng 'to? Mukhang suplado naman. Psh! Naalala ko na naman ung nangyari kanina kaya ako nabadtrip..



Flashback..



Agad kong sinagot ang tawag ni Lolo ng makalabas ako.



"He-" hindi ko pa natatapos ang pag-hello ko ay bumungad na agad sakin ang pag sigaw ni Lolo. Grabe naman.. ano na naman ang nagawa ko? >_<



"Sasha! Ba't di mo inayos ung susuotin ko bukas?!"



Ayy! Oo nga. Nakalimutan ko kagabi. Napasapo ko ung ulo ko. "A-ah.. s-sorry Lo. Mamaya po promise aayusin ko po yan pag uwi ko."



"Sige. Umuwi ka agad ha." agad ng binaba ni Lolo ung phone. Nakahinga ako ng maluwag matapos ang pag uusap namin ni Lolo. Akala ko lagot ako pag uwi. Nawala talaga sa isip ko gawin yun kagabi. Madaling araw na kasi akong nakatulog kakanood ng Kirarin. Dapat may limit na ko pag nanonood. Tama!



Automatikong papasok na sana ulit ako ng bigla akong nakarinig ng boses ng babae. Hindi naman ako sa chismosa pero sa di kalayuan ng kinaroroonan ko ay nakikita ko at naririnig ang pinag-uusapan nila. May isang lalaki at isang babae na nag uusap. Nakatalikod ung lalaki kaya di ko maaninang ung kanyang itsura, samantalang ung babae naman ay nakaharap mula dito sa kinaroroonan ko kaya nakita ko ang kanyang itsura mukhang napakahinhin naman nya.



"Pwede ka bang maging boyfriend?" what?! Boyfriend agad?! At siya pa talaga nagtanong ng bagay na yun ah. Kaloka naman 'to si ate. Nacurious naman ako at palihim na nakikinig sa kanila. Inaantay kong sumagot ung lalaki. Ano ba 'to? Parang nasa sine ako ah. Kulang nalang ng pop corn. Psh! Para naman akong ewan. Nakikichismis sa buhay ng ibang tao.



"Ayoko kasi.. sa mga panget."



Hanudaw?! Napalaglag ang panga ko dun ah. Sa bilis ng pangyayari ay nagulat ako sa sunod nakaganapan.. sinampal siya nung babae at nag walkout. Natulala ako dun ah! Ibang klase din 'tong lalaking 'to eh. Ang ganda naman nung babae. Pero sinaktan nya lang ung damdamin nung babae grabe!



Natauhan ako bigla sa presensya nya. Mukhang papasok na siya at nakita nya ko dito. Nakatingin siya sakin. Sa taranta ko ay di ko alam ang sasabihin ko. Pero agad din naman ako nakapagsalita para sabihin sana na may kausap ako kaya ako nandito.

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon