Sasha's POV
Hindi nga ako nagkamali. Anong ginagawa nya dito? Omg! Di kaya siya ung bago naming kapitbahay?
Nagulat ako ng bigla siya nagsalita. Geez, kanina pa ata ako nakatitig sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?" bored nyang tanong. Nasa gilid nya ung batang babae. Mukhang spoiled brat. Psh.
I cleared my throat before I speak. "Pinabibigay ni Lolo." sabay abot ko sakanya ng di nakatingin. Baka ano pang masabi nya. Hmp.
Ilang segundo din ang nakalipas at tumingin na ko sakanya. Nangangalay na ko ah. "Di mo ba kukunin?" inis kong tanong. Umiling lang siya at napansin kong tumawa naman ung batang babae. Argh! Nakakainis ah.
"Ayoko. Baka may lason pa yan."
"A-ano?!"
Ha! Grabe. Di talaga ako makapaniwala sa lalaking 'to. Sana nga may lason 'to eh. Magsasalita sana ako ng bigla ba naman ako pinagsarhan ng pinto. Nakatitig lang ako doon. Galing! Napakaantipatiko talaga! Ano sasabihin ko tuloy kay Lolo?!
"Nakakainis ka talaga Sean!!" gigil na sabi ko. Dapat pala hinampas ko sa pagmumukha nya 'to eh.
"Excuse me?"
Napalingon naman ako sa nagsalita. Isang ginang na napakaganda. Omg! Narinig nya kaya yung sinabi ko? >_<
Ngumiti siya sakin. At tiningnan yung dala kong pagkain. "A-ah.. h-hello po." nahihiya kong bati at napayuko. Di ko alam kung ano sasabihin ko eh.
"Kaibigan mo ba si Sean?"
"A-ah.. a-ano.." kaibigan ko nga ba yun? Di naman nya ako tinuturing kaibigan nun. Psh.
Ngumiti siya ulit. "Gusto mo ba pumasok? Mukhang para sakanya ata yan ah." nako di pa po ako nababaliw.
"N-nako! Di po. Para sainyo po ito." umiiling-iling pa ko.
"Talaga?"
"Opo. Pinapabigay po ng Lolo ko. Balita nya po kasi na may bago kaming kapitbahay."

BINABASA MO ANG
My Destiny
RomanceIsang storya na tungkol sa isang babae na di naniniwala sa FOREVER at DESTINY. Bakit? Ating alamin kung anong dahilan ni Sasha Brie Miyoshi at kung bakit hindi siya naniniwala sa FOREVER at DESTINY. Copyright April 2015