13

60 2 2
                                    

Sasha's POV


Nagstandby na kami sa gilid. Kitang-kita ko sa mata nya na determinado siyang manalo dito. Psh. Di ako magpapatalo noh.



Nagumpisa na silang tumugtog. At ang kanina na maingay na nag-chi-cheer na audience ay mas lalo pa silang lumakas. Ano ba naman yan oh!



"Go Badboys band!!"


"Whooo!!"


"Go Sean!!"



At halos di maalis ang tingin namin sa kanila. Lalong-lalo na 'tong si Ce.



"Omg. Ba't ang galing nila?" -Cecille.



"Oo nga. Mananalo pa kaya tayo?" -Karen.



"Ang galing talaga nila. Grabe." -Shiela.



Aish! Ba't ba nawawalan ng pag asa 'tong mga 'to. Nakakaasar tuloy. Feeling ko sayang lang yung prinactice namin ng dalawang araw. Umalis muna ko. I need fresh air. Di ako magpapatalo.



Hinilamusan ko ang aking mukha at tumitig sa salamin.



"Sasha, kaya mo yan!" sabay taas ko pa ng dalawa kong kamay na para bang sinasabi kong 'fighting!'



Huminga ako ng malalim bago umalis ng CR.



"Talagang kaya mo yan."



O_O



Bigla ako napahinto sa paglalakad. At dahan-dahan na tumingin kung sino yun. Nakasandal siya sa pader habang nakacross arms. Anong ginagawa nya dito?



Bigla siyang lumapit. Nagulat naman ako ng bigla nyang ginulo nyong buhok ko.



"Naman eh!" tatawa-tawa naman siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.



"Kaya mo yan. Talunin mo siya ah?" sabay kindat sakin. Hinawakan ko yung dibdib ko. Tska pinalo ng mahina. "Naman, Director Mitsui. Ako pa?" sabay bungisngis ko.



"Nice! Haha."


My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon