1

434 11 2
                                    


Sasha's POV


"Hey Sha.. sa tingin mo kailan kaya darating ung destiny ko?" tanong ni Cecille. Habang tumitingin ng mga damit dito sa boutique. Siya ang bestfriend ko since highschool.


Simula nang iwan nya ko wala na  akong balita sakanya. Pati nga itsura nya ngayon di ko na alam. Buti nga may alaala ako sakanya. May binigay siya sakin dati na kwintas na may pendant na letter 'S'. Actually, parehas kami. Regalo nya sa akin yun nung 7th birthday ko. Napahawak ako sa necklace na suot ko. Lagi ko 'tong suot. Nagbabakasakali pa rin kasi ako nababalik siya.. kahit man imposible na ngang mangyari yun. Kapag naiisip ko siya.. bigla na lang akong nalulungkot.

Nang makilala ko 'tong si Cecille nung 1st year highschool kami ay agad naman kaming nagkasundo. Lalong-lalo na pagdating sa mga anime.


"Sasha!"


Bumalik ang pag iisip ko sa pag sigaw ne'to ni Cecille. Sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan nya lang ako ng kilay nya. Psh. Ahitin ko yan eh. Haha. Kidding.


"Alam mo Brie, kanina pa ko tawag ng tawag sayo pero parang wala naman akong kausap dito dahil 'yang isip mo ay lumilipad." she rolled her eyes.


"Wag mo nga akong tawagin Brie." inirapan ko siya. Naalala ko kasi siya kapag pag may tumatawag sakin ng ganyan. Kaya di ako nagpapatawag sa iba ng Brie except lang sa parents ko at pati siya


Nagbuntong hininga naman siya. "Fine. Until now, di mo pa rin ba siya makalimutan? You're already 20 years old. Jusko Sha, 13 years na ang lumipas hanggang ngayon nga wala ka pang boyfrie—Hoy Sha! San ka pupunta?"

Nakakainis 'to si Cecille! Napakadaldal. Ayun iniwan ko na nga. May humigit sa braso ko. And let me guess.. Siya nga.


"Hoy Sasha Brie Miyoshi! Ba't mo naman ako iniwan duon sa boutique ha? Napaka ano mo talaga! Tuloy di ako nakabili nung damit na gusto ko."


"So?" tinaasan ko siya ng kilay. Tinaasan nya lang din ako ng isang kilay. Nakipagtitigan ako sakanya at maya-maya lang ay sabay kaming tumawa. Sabi ko sainyo eh, marami nga kaming similarities ng babaeng 'to. Haha. Nahahawa talaga ako sa kabaliwan ng babaeng 'to eh.


Nagpunta na kami sa isang cosplay convention. Eto naman kasi talaga ang pakay ko kaya sumama ako sakanya. Mahilig kasi ako sa mga anime. Minsan nga sumasali ako sa mga cosplay convention. At nag-co-collect din ako ng mga manga. Nakakainspire kasi yung mga nababasa kong manga. Lalong-lalo na yung Mermaid Melody. Ghad! Kahit hindi totoo ang mga mermaids ay iniimagine kong meron talaga. Buti nga si Luchia at Kaito may Destiny. Sabagay, halos lahat ng mga manga nabasa ko lahat nagkakatuluyan. Dahil sa libro nga lang ang may Forever, Destiny at iba pang chuchu. Dahil sa totoong buhay walang namang ganyan.


"Omgee! Friend, ayun si Luffy ohh."


"Ha? Saan?" bigla akong hinila ni Cecille patungo kay Luffy nga daw. Psh. Wala man lang si Zoro? -___-


"Cecille punta ta—"


O_O

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon