8

86 5 0
                                    

Sasha's POV


"Forever bestfriends tayo Brie hanggang pagtanda natin ah.." itinaas nya yung hinliliit nya. "Pinky promise?"



Ngumiti ako. At itinaas din ang hinliliit ko. "Pinky promise Bry."



"Bry! Teka lang." waaah! Ang sakit naman ne'tong sugat ko. Ba't kasi ang lampa ko.



"Bilisan mo naman Brie!" sigaw nya sakin. Tumakbo siya habang palayo sakin. Di man lang ba nya ako tutulungan?! Asar! Talaga 'to si Bry. Hmp!



Tiningnan ko lang ung sugat ko. Buti na lang gasgas lang. Pero, ang hapdi kasi eh. Biglang nabasa ng tubig ung tuhod ko. Umiiyak na pala ako. Nakakaasar naman si Bry. Di man lang ako binalikan.



"Lampa ka talaga. Tsk."



Napatingin ako sakanya. Lumuhod siya at may kinuhang panyo sa bulsa nya. Tinitingnan ko lang siya habang hinihipan ung sugat ko.



"Buti na lang gasgas lang yan natamo mo." tinali nya na ung sugat ko gamit ung panyo nya. "Wag ka ng umiyak. Okay?"



Pinunasan nya ung luha ko. Ngumiti ako. "Buti na lang andyan ka Bry. Wag mo kong iiwan ah?"



Ginulo nya ung buhok ko atska tumalikod siya sakin. Alam ko na angg ibig sabihin na ito. Napangiti naman ako. Minsan lang kasi nya ako i-piggyback ride eh.



"Oo Brie, di kita iiwan."



Lumingon pa siya at ningitian ako.



"Brie.."



Biglang may yumuyugyog sa paa ko. Napabalikwas naman ako at nakita ko si Lolo na nakaupo sa gilid ng kama ko. Mukhang kanina pa nya ako ginising.



"Kain na. May pasok ka pa." sabay tayo ni Lolo at ginulo nya ung buhok ko.



Sumandal ako sa headboard ng kama ko. Panaginip na naman pala..



Bumuntong hininga ako at kasabay nun ang paghawak ko sa suot kong necklace. Ba't lagi ko na lang yun napapaniginipan e'tong mga huling araw. Di ko inakala na sa mga ngiting iyon ay yun ang huling araw na makikita ko ang napakagwapo nyang ngiti. Napakasakit talaga Bry. After 13 years, di mo man lang ako hinanap. Para pala akong tanga na naghihintay pa rin sa pagbalik mo. Napakaimposible na talaga na hanapin mo ko. Ni-itsura mo nga di ko na alam. I don't have a communication about you 13 years ago. Ganon katagal. Siguro nga wala lang sayo ung friendship natin nung mga bata pa tayo.

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon