"Gusto kong mamasyal."
Napalingon siya sa dalaga ng bumaba ito ng hagdan. She's done dressing up at medyo basa pa ang buhok nito. Umiwas siya ng tingin at ibinaling ang mata sa TV.
"You're not with me for some sort of vacation. Baka nakalimutan mong nanganganib ang buhay mo?" Seryosong saad niya dito habang hindi ito sinusulyapan.
"At anong gagawin natin dito? I'm so bored!" Inis na pahayag nito.
Kanina pa mainit ang ulo nilang dalawa. Obviously, shes frustrated on his cold treatment. But it's better that way, mas mabuting itulak niya ito palayo kaysa mas lalo itong masaktan.
"As I've said you're not here for vacation." Sabi niya habang hindi ito nililingon.
"Gusto kong umuwi ng bahay para makita ang mga anak ko!" Pagdadabog pa rin nito, mas lalong nainis sa pag-iwas niya ng tingin.
"That's dangerous. Baka masundan tayo ng mga Santos."
"Eh, bakit n'ong nakaraan umaalis naman tayo, ah? Wala namang nangyaring masama sa 'tin!"
"Gusto mo bang may mangyari sa atin?" He fired back.
Agad niyang nakagat ang dila kasi nag-iba ang kahulugan ng tanong niya. Czaven's cheek blushed. She look away and walk towards him. Umupo ito sa tabi niya pero agad siyang umusog palayo.
"Heazen, ano ba!" Inis siya nitong tinampal dahil sa paglayo niya.
"I need space." He said coldly.
"Y-you're hurting me..." Her voice broke and it breaks his heart, too.
Kaya, Czaven...lumayo ka na lang para hindi kita lalong masaktan, para hindi na tayo masaktan.
"Then, stay away from me." Walang emosyon na saad niya dito.
Napahikbi ang dalaga. Hindi niya napigilan ang sariling lumingon dito sa biglaan nitong pag-iyak.
"I hate you, Heazen. I hate you!" She sobbed and wipe the tears away from her cheeks.
Tila may pumihit sa dibdib niya sa nasaksihan. He wanted to hug her, comfort her and tell her he's sorry. Pero baka mapapaasa na naman niya ito.
"It's better if you hate me, Czaven..."
Ang hirap. Ang hirap-hirap ng sitwasyon niya. Ang hirap maging masaya. Kailan ba siya sasaya? His past, he's still holding his past and it's stopping him to be happy in the present. But how can he let go of his past and focus on his present when it was so important to him? Ang hirap-hirap pakawalan ng mga ala-ala.
"Bad ka." Sabi nito at humikbi.
He can't help but to chuckle and reach for her hair to mess it.
"Alam ko. But this is the only way for you not get hurt even more." He said sadly.
"B-bakit mo ba ako tinutulak palayo? M-may...may nagmamay-ari na ba nito?" Tanong nito habang nanginginig ang boses at saka tinuro ang dibdib niya.
"Yes." Paos na sagot niya.
Her eyes filled with more tears. Naroon ang lungkot, ang sakit...siguro ganoon rin ang mga mata niya.
"Nasaan siya kung ganoon? Hindi ka dapat iniiwan, Heazen. Hindi ba niya alam na maraming aagaw sa 'yo?!" Inis na tanong nito sa pinahiran ang luha.
Mahina siyang natawa sa sinabi nito.
"Sino namang aagaw sa 'kin?"
"Ako! Dapat ako kasi ang nandiyan!" Inis na dinuro nito ang dibdib niya.
