Chapter 34

10.1K 331 45
                                    

"Ouch! Ang sakit...subuan mo 'ko, please?" Pagdadrama niya sa dalaga.

Czaven just sighed. Lihim siyang napangisi ng ilapag nito ang tray sa kanyang hita at sumandok ito ng pagkain gamit ang kutsara at nilapit sa bibig niya.

"Hmm, sarap." He hummed when his tongue taste the Lumpia.

Magana siyang kumain habang sinusubuan siya nito. Nakakalahati pa lang siya sa pagkain niya ng bumukas ang pinto at pumasok si More.

Inis siyang bumaling dito.

"You should knock. Paano kung may naabutan kang milagro dito?" Iritadong baling niya dito.

"Oh. Miracle like what? Czaven will kiss you? Yeah. Isang milagro talagang halikan ka ng fiancée ko." More smirked teasingly.

Agad na uminit ang ulo niya sa sinabi nito. Napabangon siya bigla at hindi inalintana ang pagkirot ng kanyang likod.

"What did you say?!"

"Shock, are we? Hindi ba nasabi ni Czaven na pinagkasundo kami ng Daddy niya but Czaven refuse because she likes you and now that you're pushing her away...it only means that---"

"Shut up! That's not true!" Tanggi niya, the same time the door opened. Iniluwa doon si Dence na may dalang pagkain rin, mukhang para sa kanya iyon.

Takang-taka si Dence kung bakit siya galit at bakit nakangisi si More. Czaven looks like she doesn't know what to do, kung sino ba ang unang sisitahin sa dalawa.

"What's the matter?" Dence asked.

"Why don't you confirm it to your cousin? We're business partners together with Mr. Fervor. Narinig mo naman ang sinabi niya dati sa isang board meeting na ipapakasal niya si Czaven for me sa 'kin, right?" More smirked.

Tumango naman si Dence.

"Yeah, and Czaven refuse...but rumors circulating online na matutuloy kasi nakita kayong magkasama kanina." Dence said.

Mas lalong nag-init ang ulo niya dahil sa mapang-asar na tawa ni More. Gusto niyang mabura ang ngisi sa mukha nito!

"Heazen, don't move that much. Nagdurugo ang sugat mo!" Czaven hissed and held him to calm him down.

"I just don't get why you're mad? Pinagtulakan mo na nga si Czaven palayo tapos ikaw pa 'tong magagalit kung may bago na si Czaven?"

Mas lalo lang siyang ginagalit ni More.  Damn this, Sebastian. Mga pa-epal talaga sa mga Benjamin.

"Seloso, in denial naman." Dence scoffed.

Aba't, may gumaganti!

Nagpaalam na si Dence pero nanatili si More. Lumapit pa ito kay Czaven at marahang binawi dito ang kutsara at platong hawak.

"Let me feed the Nag-iinarteng Benjamin, Cza. Kumain ka na at masamang malipasan ng gutom." Malambing na sabi ni More kay Czaven.

Undeniable jealousy filled his system. The way More is soft towards Czaven, he remembered how he's been cold to her. Of course, who wouldn't choose for the soft treatment rather than the cold one?

Heazen, tandaan mong kasalanan mo rin 'to! Don't be the last N in the Benjamin! Nag-mamalinis!

It's his fault from the start, kasi 'yon ang akala niyang nakabubuti para sa kanilang dalawa. Para hindi ito masaktan at para hindi siya masaktan na nasasaktan ito. But now realizing na maraming handang sasalo kay Czaven sa oras na binitawan niya ito, malaking panghihinayang ang nararamdaman niya. Engot siya, oo.

Halos ma-kompleto na niya ang Benjamin, eh! Bobo, Engot, Nag-iinarte, Jerk, Marupok, In Denial, Nagmamalinis. Isa na lang ang kulang, A nalang! What's A? Angel? Kasi si Angel na lang ang kulang sa kanya? Tss. Paano si Czaven?

Siguro 'yong A sa Benjamin is Ang gulo mo, Heazen!

"Pre, nganga." Ngisi ni More at nilapit ang Lumpia sa bibig niya.

Masama ang tingin niya dito saka sumulyap kay Czaven na tahimik na kumakain na. He sighed and opened his mouth but the stupid More just ate his Lumpia! Tangina.

More smirked while chewing his Lumpia.

"Hmm. Sarap ba sa feeling na umasa, Heazen?" Pang-aasar nito.

"I could fucking punch you right now, stupid Sebastian." He hissed angrily.

"Heazen, can you stop being angry?" Sita ni Czaven kaya agad siyang napanguso.

"Ni-a-away ako nitong garapatang 'to, eh!" Sumbong niya kay Czaven.

But Czaven didn't heard his protest kaya si More na talaga ang nagpakain sa kanya.

After eating, More left kaya silang dalawa na lang ni Czaven. Pinalitan na rin ni Homer ang bandage niya kasi nga nagdugo dahil sa pagiging malikot niya kanina.

"Mag-usap tayo, Czaven..." Marahang sabi niya kaya napatigil ito sa panonood ng TV.

Czaven sighed and nodded. Lumapit ito sa kanya at umupo sa gilid ng kanyang kama.

"Is it true? About you and More?" He asked calmly.

"Yes." Diretsang sagot nito.

"I-is he the father of your children?" Kinakabahang tanong niya.

Kasi kung oo, wala na, finish na.

"No." Agad na sagot rin nito.

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito. Desidido na siyang itulak ang dalaga palayo, eh, pero masakit pala. Ang hirap, hindi niya kaya.

Inabot niya ang kamay nito at hinawakan but Czaven withdraw her hand away. May pumihit sa dibdib niya dahil sa ginawa nito.

"I don't get you, Heazen. You're confusing me, ang sabi mo ayaw mo sa 'kin, I respect it. Kaya lalayo ako tapos ikaw naman 'tong hihilahin ako pabalik?" Anas ng dalaga.

"I-I'm sorry...I was just confused about my feelings---"

"At hindi ako bagay, Heazen. You push me away when you think you don't want me around tapos pababalikin mo 'ko dahil napagtanto mong kalangan mo 'ko." Her voice trembled.

Pumatak ang luha sa mata nito at akmang papawiin niya pero inunahan siya ng dalaga.

"Be a man. P-panindigan mo ang sinabi mo. You choose Angel over me. Nirerespeto ko ang desisyon mo kaya respetuhin mo rin ang desisyon ko."

"Czaven---"

"I just call your cousin to take over my place. Sila ang nararapat na magbantay sa 'yo. Get well soon." Sabi nito at dumukwang para halikan ang kanyang pisngi saka ito umalis.

Napapikit siya. He felt so empty when Czaven left the door. They just met, they just fucking met pero parang bumalik na naman siya sa dati n'ong iniwan siya ni Angel. He felt empty and wreck. Hindi lang si Angel ang nagparamdam sa kanya ng ganoon...pati si Czaven.

Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Pero nakaya naman niyang bumangon dati pagkatapos siyang iwan ni Angel...pero mukhang...mas mahirap bumangon ngayon na inayawan na siya ni Czaven.

GGA (4th Gen #18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon