Chapter 46

14.1K 421 26
                                        

"Heazen! Where's our grandchild?" Agad na tanong ng Mommy niya nang makapasok ito ng mansion.

Kumunot ang noo ng Daddy Heazer niya habang nakasunod sa asawa.

"Make sure this is not one of your pranks----"

"Lolo!" Chaste giggled as he stood up with the support of the crib. Pilit itong tumitingkayad para matingnan sino ang bagong dating.

Hmf! Buti pa si Daddy nakilala agad na Lolo bakit sa 'kin, Ninong?!

"Oh my, God." His dad voice trembled as he saw Chaste.

Papalapit na ang dalawa sa mahabang crib na nilagay nila sa sala at napasinghap nang makita ang apat na bata. The two, Bliss and Saint were sleeping, Dove is playing with her toy and Chaste is standing.

"S-sa 'yo lahat 'to?" His mother asked in disbelief.

Mayabang siyang ngumisi at napasulyap kay Czaven na tahimik lang na nasa sofa, namumula.

"Of course. I'm the first ever Benjamin that has quadruplets." Pagmamayabang niya.

"What if magkaroon ka bigla ng kapatid tapos quintuplets?" Tanong ng Daddy niya na mukhang ayaw magpatalo.

"Dad," he groaned.

Namumulang tinampal naman ito ng Mommy Chandrea niya. Kinarga nito si Chaste pero mukhang gusto atang sa Lolo magpakarga.

"You're Chaste' favorite." Naiiling na wika niya.

"Alam na alam siguro nitong apo ko na spoiled siya sa 'kin." His Dad smirked.

"Hindi ka pa ba namumulubi kay Scarlet?" Tanong niya at napakamot sa batok.

"I didn't just work for my children, also my grandchildren and great grandchildren. Kaya ikaw, magseryoso ka na sa pag-halili sa 'kin or else I'll be giving the company to Chaste." Pananakot ng ama habang karga ang anak niya.

He just shrugged. It's not that he can't feed his family. Matagal na siyang Monstrous racer and the gross he got isn't just a joke. He'll have quick and easy money but risky.

Nilapitan niya ang dalaga na nasa sofa. Alam niya kung anong tumatakbo sa utak nito. Czaven is awkward right now because she's afraid that his parents are mad at her because of her scheme.

"I think Bliss is hungry." Sabi niya sa nanahimik na dalaga para ipagtulakan ito papunta palapit sa magulang niya.

"Kaka-inom lang niya ng gatas, Heazen." Mahinang sagot ni Czaven.

"Si Saint baka gising na at gustong magpakarga---"

"Heazen, can I talk to Czaven?" Her Mom said on the background.

Napalingon siya dito na seryoso ang mukha saka kay Czaven na hindi maitago ang takot at pamumutla.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at naramdaman niya ang panlalamig n'on.

"Mom, don't scare her. If you're mad at her, don't---"

"Ano bang pinagsasabi mo, Heazen Draven? Wala pa nga ay ano-ano ng pinagsasalita mo. Why don't you give Czaven to me?" Tanong nito at tinaasan siya ng kilay.

Tumayo ang dalaga pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay nito.

"Mommy, kahit galit ako kay Czaven, hindi pa rin ako papayag na papagalitan mo siya---"

Malakas namang napasinghap ang Mommy niya at hinampas siya nito ng pamaypay nito sa kanyang balikat.

"What? Heazer, your son is so judgemental!" Singhap ng ina niya at napapaypay.

GGA (4th Gen #18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon